Log in

I forgot my password

What’s on your mind?

*No Special Characters

Top posting users this week

Latest topics
» [4-8-15 Announcement] Overhauling of the Forum
Sat 26 Sep 2015, 12:09 am by ItsukaKotori

» New Member
Wed 16 Sep 2015, 3:22 pm by Kronenyan

» Old member just a new account
Wed 16 Sep 2015, 3:11 pm by Kronenyan

» Who got something to say?
Wed 16 Sep 2015, 3:09 pm by Kronenyan

» Most badass OSTs of all time?
Fri 29 May 2015, 12:40 am by YukikoSei

» I'm a newbie! :)
Thu 14 May 2015, 12:53 am by Kronenyan

» Hi there, New guy here.
Wed 06 May 2015, 9:46 am by Kronenyan

» Weebism: A phase or a nuisance?
Tue 05 May 2015, 3:48 pm by Gunzou

» Favorite mecha anime?
Tue 05 May 2015, 3:35 pm by Gunzou

Who is online?
In total there is 1 user online :: 0 Registered, 0 Hidden and 1 Guest

None

[ View the whole list ]


Most users ever online was 90 on Mon 27 May 2013, 4:21 pm
Dere Dere Chatbox

My Girlfriend is a Yandere? (original story by BaDReminisce)

View previous topic View next topic Go down

My Girlfriend is a Yandere? (original story by BaDReminisce)

Post by BaDReminisce on Thu 30 May 2013, 4:07 pm

Note : Wala ehh, nagsusulat lang talaga ako at hilig ko lang talaga ang gumawa ng kwento. Ito yung mga nasa isip ko na kaya nabuo ko ang mga ganitong eksena. Kasama na din yung panunuod ko ng ibat-ibang anime, kaya nakakakuha ako ng idea.





Prologue


Ruyki Speaking…

Kung inaakala niyo na sweet, nakakakilig at Masaya ang mga mangyayari sa buhay ko sa kwentong toh, pwes, nagkakamali kayo, kung ayaw niyo naman na basahin toh, feel free to press BACK and never try to read it again. Bakit?

Sige, ikaw ba naman ang magkaroon ng isang girlfriend. Masaya? Anong Masaya? Alam niyo ba na mas gusto ko pa ang maging single na lang at mabuhay ng binata habang buhay, pero hindi na pwede. Dahil sa hamak na pustahan na yan. Bwisit! Ako pa? ako pa na kilala nila na:
>matangkad
>maputi
>Cool
>Handsome
>Playboy and certified a Casanova

That is how many girls describe me, I know…I really know… the fact that itotally broke many girls heart…I called them Bitter! That’s it! ! ! what’s wrong being guy who have many girlfriends? Wala naman di ba? Nasa nature na ng mga lalaking tulad ko yun! At kung hindi naman, natural na yun sa mga lalaki! Lalo na sa tulad kong…gwapo!

Pero, dahil sa sira ulong pagpupustahan, saan na nga ba mauuwi ang lahat. Dati di ko naman alam ang ibig sabihin non. Hindi naman kasi ako Otaku tulad ni Rinku na addict dun at ginigugol ang buong oras niya sa panunuod ng anime. Hindi rin naman ako isang J-pop fan kaya hindi ko alam ang meaning non.

Anong word yon?


Yandere! That’s how they called it. Anone meaning?



Antayin natin ang chapter 1.


^_____________^



Yanna’s Speaking…


I NEVER HAD A BOYFRIEND SINCE BIRTH. At pinangako ko sa sarili ko na kung mangyayari man ang bagay na yon.


Gusto ko, siya na. siya n ang mapapangasawa ko. At kikilalaning ama ng mga anak ko.


Mayabang? Okay, tawagin na nila akong mayabang, pero wala na akong magagawa don, ikaw ba naman ang mabuhay sa pamilya ng mga Mafia at mga sikat na killer sa buong mundo. Hindi ka pa ba tatapang non?


Pero ngayon, happy na, akala ko dati walang lalaking manliligaw sa akin, kasi mas mukha pa daw akong lalaki sa mga lalaki dito! Asar!

Pero babae din ako noh, at gusto ko ng boyfriend. But don’t worry, I have Ryuki! ^_____^


Pero may tawag siya sa akin, Yandere? Kapal ahh! Yandere pala? Edi sige panindigan natin.


Kung sino man ang mga babaeng lalapit sa Ryuki ko…





Kausapin niyo ang ispada ko. Hahahahahah XD


MGY : 1. [ The Casanova ]



Ryuki’s POV


“Ryuki nasan ka na ba?”

“Dude im on my way, will you please relax!”

“what? Paano ako magrerelax? Ehh baka maubusan na ako ng last manga”

“eww! * manga! Bakit kasi gusto mo pa akong isama jan?”


“hahaha sos! Kunwari ka pa ehh gusto mo din naman! Alam mo ba na maraming cute na cosplayer ang pupunta!”

“shit ka Rinku! Alam mo talaga kung anong bagay ang magpapakilos sa akin! Ohh sige wait mo na lang ako jan”


“pwede bilisan mo ahh”


“yes! * Otaku-nerd!”


“im proud Mr. Casanova!”


He hung up the phone, That’s Rinku, he’s my bestfriend slash he’s also my half brother, how? Inampon siya ng parents ko after his parents died when he was still a child. And start from that day, naging best buddies na kami. Lahat naman ng bagay magkasundo kami, pero sa isang bagay lang ang hindi kami pereho. Ano yun?

He’s an Otaku, what is Otaku? Ito yung taong mahilig or fan ng mga anime, manga, J-pop music and kung ano-ano pa, sabi niya certified daw siya as anime addict and J-pop addict din, pero minsan nag-cocosplay din ang mokong. At kapag may cosplay event, maraming chicks, yun naman ang hilig ko. Ang mangolekta ng babae at ilagay lahat sa cellphone ko, pagsabay-sabayin sila ay paiyakin. Ang sama ko noh? Well wag na kayong magulat dahil sa ganitong kagwapong mukha ehh marami talaga ang babaeng nagkakandarapa sa akin.

Meron pa ngang iba na gusto ko nang mabuntis pero, yun ang bagay na hindi ko pa ginagawa, bale nasa stage pa lang ako ng enjoyment at wala pa sa isip ko ang maging isang ama! >/////<

Saan nga ba ako pupunta ngayon? Dun nga pala sa cosplay event na kasali ang mokong na si Rinku.

Pagdating ko sa parking area ng mall, may nakasalubong akong isang babae na muntik ko pang masagasaan.

“Hey miss! Tumingin ka naman sa dadaanan mo!” sigaw ko dito mula sa bintana ng kotse ko.

Nakayuko naman ang isang babae na may pink na wig at nakasuot ng weird na damit. I guess she’s a cosplayer or what?

“alam mo bang hindi kita sasagutin sa ospital kung may mangyari man sayo! Umalis ka na nga jan! baka sagasaan talaga kita jan ehh”

Muli ko itong sinigawan, paano kase mukang timang na nakayuko lang don sa harap ng sasakyan ko, late na ako sa event at nako, umuusok na ang ilong ni Rinku sa akin kakaantay.

Unti-unti naman tumingala ang babaeng naksuot ng pink na wig at may suot na weird na damit. Napansin ko din ang dala nitong…


ISPADA? ? ?

“Hoy lalaki! Alam mo ban a nagmamadali na ako sa event na toh? Tapos ano? Ako pa ang sisisihin mo! Ako na nga ang muntik mamatay dahil sa bilis mo magpatakbo ng sasakyan mong bulok”

*toooggsssh*


“WAHHH! Anong ginawa mo! Sira ka ba?”

Ang kotse ko! Wahhh! Tong babaeng tohh! Paano kase, sinipa niya ang bumper ng sasakyan ko,,,

And….its busted…


“ano? Ako pang sira! Ang sira yang bulok mong sasakyan! Kala mo kung sino! Ehh kung saksakin kaya kita jan!”


Tinignan lang ako ng masama ng babaeng yun at naglakad na paalis, napansin ko na parang pilay siya maglakad.

Buti nga sayo, pero ang kotse ko. TT^TT sira ulong babae yun, baliw! ! !


I parked the car, kahit na bad trip na ako dahil sa encounter na yun, asar! ! !



Yanna’s POV



“Yanna! Nasan ka na ba?”

“tigilan mo nga ako Stacy Lim, nandito na ako sa mall, papark ko lang tong sasakyan pwede ba magantay ka nga!”

“okay, pero wag mong kalimutan yung costume mo? Suot mo na ba?”


“Stacy Lim, asar ka ahh! Oo suot ko na, kanina pa pag-alis ko sa bahay! Ano ba tong damit mo! Ang kati sa balat!”

“ano ka ba, bagay kaya sayo ang character na yan?”


“what? Ehh sino ba ang character na toh? Ewww! Pink haired? Yucks!”


“gaga ka talaga, hindi ka kasi nanunuod ng anime ehh kaya di mo alam.”


“alam mo naman na di ako baliw tulad mo sa mga pambatang anime na yan”


“hoy! Hindi lang yon pambata noh. Kung maririnig ka lang ng mga otaku friends ko for sure bigtui abot mo!”

“What? Really? Hahaha mali ka yata jan Stacy Lim! Ako? Si Yanna Yamamoto? Nakakalimutan mo yata na ang tatay ko ay isang Mafia Boss!”

“hindi ko nakakalimutan yown! Ay ang tatay ko din ay isang gang leader! Kaya nga buddies tayo ehh, at isa pa, namana mo din sa tatay mo ang pagiging sadsta mo!”


“im proud of it, haha osya jan ka na nga, wait mo na lang ako”


“wait? Dala mo ba yung palakol mo?”


“what? Wala akong palakol noh! Pero I have my lovely sword”


“hindi naman sword ang gamit ni Yuno Gasai ehh, palakol ang mas maganda na props!”


“ang arte! Basta gusto ko tong sword na gawa pa ng Kuya ko!”


“fine!”



That Stacy Lim, she’s my bestfriend slash laging kaasaran at lagi kaming nagtatalo. Pero ako ang laging panalo. Eww Outfit, mas okay na sa akin ang shirt at short na suot unlike this, blouse and a skirt, nakakadiri!

Wag na kaying magtaka sa salita ko kung mejo may pagkatomboy ako or anything, its normal, normal para sa isang anak ng Mafia boss, oo yun kase ang buhay na kinalakihan ko sa tatay ko. Kahit kuya ko, ganun din, dalawa lang kaming magkapatid. At ako ay isang babaeng handing sundin ang utos ng tatay ko. Ikaw ba naman ang magtrain sa isang army camp at magkarate araw-araw.

Yanna, yan ang tawag nila sa akin, siga, mayabang, malakas mang-asar at malakas maki-pagaway. Kaya nga ako ang President ng student council sa school namin ehh, at ngayon? Wala na gulo ang nangyayari. Madami na kasi akong pinadugong nguso sa school namin. lalo na yung mga lalaking kala mo kung sinong mga gangster na ang hilig sa away, wala naman palang binatbat sa mga kamao ko!

Matapos kong i-park ang sasakyan ko, umalis na ako papunta don sa event hall ng mall na toh kung saan napilitan akong mag-cosplay dahil talo ako sa pustahan namin ni Stacy kaninang umaga na kung sino ang maagang magigisng. Dinaya yata ako ng babaeng yun at late na ako nagising.

“wait, may nakalimutan ako sa kotse ko, yung ispada ko.”


Bumalik naman ako sa kotse ko para kunin yung ispada ko, alam niyo ban a gawa toh ng kuya ko, siya ang pinakamagaling na gumagawa ng ispada sa Japan, kahit na bata pa ang kuya ko. ^____^ at ang pogi pa!


“yown! Tara na Yotono!” sino si Yotono? Siya ang ispada ko! May pangalan toh noh.

Kinuha ko agad ang ispada ko at tumakbo na papunta sa event hall, kaso may isang kotse ang mabilis na paparating sa akin.

Sa taranta ko, natapilok ako at pumalakda sa sahig dito sa parking area.


Aray kop o. TT^TT may sugat yata ako…


Namilipit ako sa sakit, pero di naman ako nabundol ng sasakyan, pero ang sakit ehh, nagulat kasi ako sa busina ng damuhong taong nasa sasakyan nay an.

“Hey miss! Tumingin ka naman sa dadaanan mo!” narinig ko naman ang sigaw ng isang lalaki mula sa sasakyan niya.

* ba siya? Di na nga ako makatayo dito! Hambog!

Patuloy lang akong nanahimik dahil sa sakit ng sugat at ng paa kong natapilok. Damuho ka, pag ako may pilay bibigwasan kita.

“alam mo bang hindi kita sasagutin sa ospital kung may mangyari man sayo! Umalis ka na nga jan! baka sagasaan talaga kita jan ehh”

Sumigaw muli ang lalaki, pero di ko siya Makita, nakayuko lang kase ako, mejo naaasar na ako sa kanya at gusto kong pasabugin ang nguso niya, pero ang sakit patalaga ng sugat at paa ko. Mamaya ka sa akin.

Ng mejo tumahimik ang lalaki, at majo hindi na kumikirot ang sugat ko tumingala ako at tinignan ito ng masama, nakita ko naman na nakatingin toh sa isang way, sa ispada ko. Saksakin ko kaya toh? Wag may mga CCTV cams dito ehh.


“Hoy lalaki! Alam mo ban a nagmamadali na ako sa event na toh? Tapos ano? Ako pa ang sisisihin mo! Ako na nga ang muntik mamatay dahil sa bilis mo magpatakbo ng sasakyan mong bulok”


*toooggsssh*
Hindi na ako nakapagpigil at sinipa ko ang sasakyan niya. Kaya naman nasira ito, huh, ako pa? ehh black belter ako sa taekwando dahil ang kuya ko ang master ko jan noh! Hahaha

“WAHHH! Anong ginawa mo! Sira ka ba?”

Halos maglumpasay naman ang lalaki dahil sa ginawa ko, dapat lang sayo yan! Hayop ka.

Mejo masakit pa din ang paa ko…chill lang Yanna.


“ano? Ako pang sira! Ang sira yang bulok mong sasakyan! Kala mo kung sino! Ehh kung saksakin kaya kita jan!”


Matapos kung sabihin yon, tinignan ko siya ng masama at naglakad na paalis.









Ryuki’s POV



“OH? Nandito ka na, what you took so long?” Rinku asked me.


“a * cosplayer girl, asar!”


“what? Anong nangyari?”


“may isang babaeng nakapink na wig at weird na suot ang muntik ko nang masagasaan sa parking area kanina.”


“pink na wig? Hmmmm sino kaya sa anime yun?”


“Oo, tsaka may dalang ispada! Ang weird nga ehh, tapos sinipa niya yung sasakyan ko! Kaya yun! Nayupi! Asar!”


“sos, ipaayos mo na lang”

Nakarating na ako sa cosplay event, madami nga ang mga chicks dito ahh, pero dahil sa BV na ako, ayaw ko na.


“Rinku, kakain lang ako” pagpapaalam k okay RInku.

“what? Wag ka na umalis, samahan mo naman akong papicture sa mga cosplayer!”


“WHAT? Sira ka ba? Ako? Si Ryuki Morales ang gagawin mong photographer mo? Ayos! Maghahanap na lang ako ng chicks”


“sige na Ryuki! Sabay mo nang gawin yang pangchichicks mo at pagsama sa akin. By the way nabili ko na ang manga ko, buti di ako naubusan.”


“okay! Fine! Tara na!”


“yes!”


Nagpalipat-lipat kami ng lugar at nagpapicture lang sa mga cosplayer na gusto nitong si Rinku, madami na din akong babaeng na-meet yung iba di gaanong maganda yung iba naman HOT! Whooo!


“tara dun naman tayo kay Yuno Gasai! Yun oh! Ang ganda ni Ate! Wow! Chicks yun Ryuki!”


“ahh? Yuno Gasai?”


Tinitignan ko kase ang mga pictures sa SLR camera ni Rinku. Bigla naman akong hinatak at ng makarating kami sa isang cosplaer…


“IKAW?” sigaw ng babae.

Lumingon naman ako at…


“IKAW?” sigaw ko din ng makita ko ang babae kanina sa parking area.


“aba, kung minamalas ka nga naman Stacy!” sabi nito sa babaeng kasama niya.


“Ryuki, kilala mo siya?” tanong ni Rinku.


“oo, siya yung babae muntik ko na masagasaan”


“talaga? ehh Yanna Yamamoto yan ehh, siya ang student council president natin”


“ahh? Talaga? di ko siya kilala.”



Lumapit naman si Rinku kay Yanna daw at nagtanong kung pwede magpapicture, pumayag naman si Yanna at tuwang-tuwa si Rinku.


Pipicturan ko na sila.


Ng pagsilip ko sa lens ng camera.


Nakita ko ang nanlilisik na mata ni Yanna.


*….



Umuwi na kami ni Rinku after ng event. Around 9pm na din.



“wow! Ang galing may picture na ako sa isang Yandere! Popost ko toh sa page ko!”


“ahh? Yandere?” tanong ko dito tsaka ako bumaba ng car. Na ngayon sira na.


“ahh basta! Bukas na lang”



Pumasok na ang mokong sa bahay at dumiretso sa kwarto.


Ganun na din ang ginawa ko, naligo na ko, pero habang naliligo ako.


Naalala ko yung mga nanlilisik na mata ni Yanna kanina, nakakatakot siya.


Shit…makatulog na nga, may pasok pa bukas.





SUGOI! yan pa lang ang unang kabanata, ay tsaka ko na post ang iba XD



______________________________

avatar
BaDReminisce
Weeb Realizationist

Posts : 52
Points : 8225
Age : 23
Location : Antipolo City

View user profile

Back to top Go down

CHAPTER 2. My Girlfriend is a Yandere? (original story by BaDReminisce)

Post by BaDReminisce on Thu 30 May 2013, 4:46 pm

MGY : 2. [ The Yandere ]


Yanna’s POV


“alis na po ako”

“sige mag-iingat ka Hija”

“opo papa!”


“ingat po mahal na prinsesa!” =____= yan ang tawag sa akin lahat ng mga bantay ni Papa.


Lumabas na ako ng gate namin, gate ng Yamamoto residence, at alam niyo kung gaano toh kalaking bahay namin? sing laki ng isang street! Kami yata ang best Mafia at group ng mga Yakuza sa buong bansang Pilipinas.

Dati kaming nakatira sa Japan, pero gawa ng business transaction ni papa dito sa Pilipinas, dito na kami nanirahan ng matagal, isa pang dahilan ang pamilya ng Hanabishi na nais kaming pataying lahat.


Naaalala ko pa noong bata pa ako sa Japan, kinuha nila ako at muntik na patayin, pero naligtas ako ni Papa at ng mga kakampi niya.

Kaya yun, simula ng nangyari na yon, ginusto ko ang maging malakas para di na nila ako magawang saktang muli.


“ang tagal mo ahh” angal ni Stacy na kanina pa yata nag-aantay dito sa tapat ng Ministop.


“sorry ahh” sabay na kaming naglakad.

Habang naglalakad…


“Yanna, alam mo ba, katext ko kagabi si Clarenz Santos” galak na sabi ni Stacy.

“so? ano naman?” mataray ko lang na sinagot siya.

Normal na sa amin ang tarayan ng babaeng toh, alam niyo ba na isa ding martial artist ang babaeng toh? Ang pinag-kaiba lang namin ehh malandi siya, at lahat ng lalaki gusto niya kanya na.


“hoy Yanna Yamamoto, nanjan ka nanaman sa taray effect mo ahh! Nakakainis na”


“ehh kase ano naman ang pake ko sa Clarenz na yan”


O________O nagulat na mukha ni Stacy.


“di mo ba siya kilala? Yanna? Si Clarenz Santos na yun ahh…siya lang naman ang certified dream boy ng bayan, magaling kumanta, gwapo at mabait”

Sinabi yan ni Stacy with her eyes full of bright like a diamond in the sky. Asar!

“alam mo, Stacy Lim, I don’t have any time for those love chuchu okay? Busy ako as a student council president slash Yakuza member okay?”


“Oo na, halata naman ehh, tignan mo yang sword mo sa likod, alam mo, buti pumayag ang school na dalhin mo yan.”


“syempre, that’s the power of mine, as a president, haha I change the rule ehh”

=_____= mukha ni Stacy.


“yeah, I remember, nung tumatakbo ka pa lang na president, ehh tinakot mo ang 90% na bumoto sayo!”


“that’s my power also, kung di ko ginawa yun ehh malamang di ako president noh!”


Nakarating na kami ni Stacy sa school..pumasok sa gate ng walang pake-alam ang guard sa akin. Takot ehh?

Bakit???


Noong una niya akong sinita dahil sa ispada kong dala, binigyan ko lang naman siya ang isang sword show! Haha ayun, natakot na sa akin simula noon. At nalaman niya na payag ang school na magdala ako nito.


“Yanna, look, may gulo yata doon, nagkukumpulan ang mga students eh” tumakbo naman si Stacy palapit sa mga nag-pipiyesta na tao.

Ano nanaman bang meron?


Pinuntahan ko din ang nagaganap doon at ang nakita ko…


Dalawang babaeng nagsasabunutan… =_____= ano ba yan.


“akin lang si Ryuki! Babaeng mang-aagaw!” sigaw ng isa.

“ano? Sa akin si Ryuki! Ikaw na malandi ka!” sumugod ulit ang isa at sumabunot sa isang babae.

Sino bang Ryuki yan at pinag-aawayan ng dalawang toh? Asar ahh! ! !



Pinanuod ko lang silang mag-away, lahat naman ng mga students na nakakita sa akin, lumayo na sa gulo.


“nanjan na si Miss Yanna” sigaw ng isang student.


Huminto naman ang dalawang nag-aaway na babae. Naglakad ako papunta sa kanila. Nakita ko na takot na agad ang mukha nila. Ganyan na ba ako kasikat at isang dinig lang sa pangalan ko ay humihinto ang mga nag-aaway.

Ng makarating ako sa harap nila. tahimik ang dalawa.


Tinignan ko sila ng salitan.


“bakit kayo nag-aaway? Alam niyo ban a ayaw na ayaw ko na pagpasok ko ehh nakakakita ng ganyan!” sigaw ko sa kanila.


“miss Yanna, siya po ang nauna! Inagaw niya sa akin si Ryuki!” sumbong ng isa.

“ang kapal mo! Ako ang unang girlfriend ni Ryuki!” angal ng isa pa.


=____= *, sino bang Ryuki yan.


“tumigil kayo! ! ! sino bang Ryuki yan! ! !” sigaw ko ulit sa kanila.


Hindi sumagot ang dalawa at tumakbo sa likod ko…


Nilingon ko naman ang pinuntahan nila at ….



“IKAW? ? ?” malakas kong tanong….






Ryuki’s POV


Pumasok na kami ni Rinku sa school, malay ko bang ganitong oras pala ang pasukan namin ngayon, may resectioning daw kase, biruin niyo yun? Almost one week na ang pasukan biglang magbabago ang section namin? asaR! !


“Ryuki, ano kayang nangyayari don? Bakit ang daming taong nagkukumpulan?” tanong ni Rinku, habang tumatalon para Makita ang kumpulan ng mga students don.

“malay ko, tignan natin?” naglakad kami papunta ni Rinku doon…


Ng hindi ko inaasahan ang nakita ko…sila….Sheena at Nathalie nagaaway…patay…

Sila nga pala ang dalawa sa girlfriend ko ngayon! ^_______^


“patay ka nito Ryuki.” Sabi sa akin ni Rinku “wag kang maingay, tara alis na tayo.”

“sos, yan lang ang alam mo ehh”


Maglalakad na sana ako palayo pero…nakarinig ako ng isang sigaw ng pangalan ko…


“tumigil kayo! ! ! sino bang Ryuki yan! ! !”

Parang familiar ang boses na yun ahh! ! =_____=


Lumingon ako, at pag lingon ko, nakita ako nila Sheena at Nathalie, kaya tumakbo ito papunta sa akin, patay kang bata ka.



“Ryuki!” sabi ni Sheena…

“Babe!” sabi naman ni Nathalie.

“babe ka jan? akin siya?” sigaw ni Sheena kay Nathalie.



Pero ang umagaw sa atensyon ko…

O_____O


“IKAW? ? ?”

Halos mahulog ang puso ko sa kaba ng Makita ko si Yanna. Patay na…hindi na ako makagalaw sa nakikita ko ngayon, isang nanlilisik na mata nanaman ni Yanna ang nakatitig sa akin.

Dahan-dahan tong naglakad papunta sa akin. Pero….hindi ako makakilos…patay…


Nang makarating toh sa harap ko…


“ikaw pala ang Ryuki na pinag-aawayan ng dalawang yan?” mayabang na tanong nito sa akin.

Daig pa niya ang babaeng amazona. Pero…ngayon ko lang nakita na cute pala siya sa uniform namin. at maganda ang full black shiny hair nito.


“ahhh oo ako! Bakit?”



“bakit? Nag-aaway ang dalawang babae dahil sayo tapos yun lang? gusto mong patayin kita?”


O_____O nagulat naman ang lahat sa sinabi ni Yanna, nakita ko din ang ispada nanaman nito sa likod niya.


Sadista! ! ! XD nakakatakot siya! ! ! parang di babae! ! !


“wala akong kasalanan kung nag-aaway sila ng dahil sa akin noh! Kaya baboo! Buh bye na!”

Tumalikod naman na ako sa kanya at nilagay ang mga kamay ko sa bulsa at naglakad na palayo.

Akala niya takot ako sa kanya? Porket isa siyang president? Lols niya! Hahah ako yata si Ryuki noh ako pa…haha XD


Kaso isang hindi nanamang inaasahang pangyayari…


“bumalik ka dito hambog! ! !” sigaw ni Yanna.


Lumingon ako sa kanya at….



*punch*


Isang malakas na sapak ang sumalubong sa akin.


Aray ko po! ! !

Nagulat naman ang ilang mga students sa nakita nila.



“bakit mo ako sinuntok! ! !” sigaw ko din kay Yanna.


“ang kapal mong talikuran ako? Matapos mong gumawa ng gulo??”


“ako? Wala akong ginawa noh! ! bakit ba nagagalit ka jan? huh, don’t tell me, isa ka sa mga babaeng assuming sa akin noh?”


O/////o namula naman si Yanna.


“hahaha sabi ko na nga ba eh, May gusto ka sa akin! ! !”


“ang kapal mong ugok ka! Ikaw na patpatin ka! ! !” naiinis na sabi nito…


Lumapit ako sa kanya ay nilapit ang mukha ko…


“gusto mo bang halikan kita?” sabi ko dito sabay kindat. Halos di naman na makagalaw ang amazonang si Yanna.


Hahaha ako lang pala ang makakapagpatino dito ehh hahaha


“ano Yanna? Gusto mo ba?” marahan kong sinabi ang mga salita na yan at unti unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya.


Hindi naman na nagsasalita ang babaeng amazona at….




*ring….ring….ring…*


Biglang nagring na ang bell….



“salamat ka, haha save by the bell haha XD”










Yanna’s POV


Hindi pa ako nakaramdam ng ganon sa buong buhay ko. Bakit? Bakit ganun yung pakiramdam ko nung nilapit niya ang mukha niya sa akin.


O/////o


Asar na Ryuki na yon. Humanda siya sa akin…



“ui! Okay ka lang ba?” kinalabit naman ako ni Stacy sa likod ko.


Lumingon ako dito…


“Oo naman noh” mataray kong sabi dito…


“sos, kinilig ka lang kay Ryuki ehh”



“ano? Kinilig? Wag ka nga Stacy Lim sa payatot na yon?”



Nasa loob na kami ng classroom at naguusap kami habang nagtuturo ang teacher sa unahan. Magaling kasi tong kaibigan ko ehh baliw! ! !


“Class, bukas na malalaman ang bago niyong section, so see yah na lang kung magiging teacher niyo pa ako!”

Sabi ng teacher namin. Oo nga pala, may resectioning na magaganap bukas. Hays.



LUNCH BREAK.


Pumunta na ng cafeteria si Sracy at susunod na lang ako sa kanya, may kukunin kasi ako sa office.


Ng pabalik na ako sa cafeteria. Isang lalaki ang humarang sa harap ko.


“Hi! Di ba ikaw si Yanna!” masayang tanong nito sa akin.


“oo ako nga, at bakit?” mataray kong sagot dito.


“hhehe ako nga pala si Clarenz, nice meeting you”


Parang narinig ko na ang pangalan niya ahh….hmmmmmmm










______________________________

avatar
BaDReminisce
Weeb Realizationist

Posts : 52
Points : 8225
Age : 23
Location : Antipolo City

View user profile

Back to top Go down

CHAPTER 3. My Girlfriend is a Yandere? (original story by BaDReminisce)

Post by BaDReminisce on Thu 30 May 2013, 4:48 pm

MGY : 3. [ Classmates ]



Ryuki’s POV


“SINO BA SIYA SA INAAKALA NIYA? DI PORKET SIYA ANG PRESINDENG NG STUDENT COUNCIL EHH GANUN NA SIYA UMASTA? AISSH! GRABE! NAKAKHIYA SIYA!”

“bakit ka ba nagagalit jan Ryuki? Ehh ikaw nga tong nilapit ang mukha sa Tsundere na yon” nabigla ako sa huling sinabi ni Rinku. Ano daw? Tsaka ito kumuha ng oatmeal cookies at ininum ang juice niya.

“ano? Tsun-dere? Tsundere?” nauutal kong tanong dito. Iba talaga ang addict nito sa mga Japanese stuuf niya at pati na yata salita ng Hapon ehh na-adopt niya na.

Tumigil ito sa pagkain ng cookies at uminom ng juice tsaka huminga ng malalim. At nagumpisang magsalita.

“That was a Japanese term for a human behavior, ang mga Tsundere ay mga taong malakas ang dating at aakalain mong matigas ang puso, pero deep inside, mga pusong mamon naman sila, like Yanna, I think she’s a tsundere”

What the hell, what with those words, I cant imagine that I have a housemate na ganyan ang ugali. * Otaku-nerd.


“I don’t understand you nerdy Otaku” =____=


“I know that you cant understand me, and besides, natutuwa ka lang na makasama akong manuod ng anime kung Ecchi at Harem an genre nito, you know? You love those big boobs and sex scene! * pervert Casanova” he said in a sarcastic manner. Pilosopong otaku pa.


“okay, alam ko na magkaiba tayo ng hilig but back to our topic, I want a revenge to that Yanna, masakit yung sapak niya ahh, hindi pa enough ang nangyari kanina.”


Umasta naman na parang nag-iisip si Rinku tsaka niya sinara ang manga ng peach girl na binabasa niya.

=____= what with Manga? Ewww…


“I have an idea” sigaw nito.

“what with that idea? Make sure na maganda yan kundi tatapon ko ang isang katerba mong manga”


TT^TT


“WAGGG! Okay, ganito…”





Yanna’s POV



The next day, grabe, hindi ako nakatulog sa naiisip ko kagabi, bwisit na lalaking yon, humanda siya sa akin akala niya tapos na kami, bibigwasan ko pa ang damuhong yon, ako pa? ako pa? isa sa mga ankan ng Yamamoto ang binangga niya? Huh! Talk to my Yotono! (Name of her sword).

“you’re here? Oww…what are those black thingy under your eyes? Eww you look so creepy you know?”

“stop insulting me will yah? Wala akong time sa tarayan effect ngayon Stacy Lim”’


“ooww! You look more creepy, but anyways, bakit nga kasi ganyan ang feslak mo ateng?”

We start our conversation as we start walking to school.


“that * Ryuki” I said in a cold tone.


“ahh Ryuki Morales, the Casanova heartrob, alam mo kase, dapat hinayaan mo na lang siya, hindi na mawawala sa nature ng isang Casanova ang may nagaaway na babae because of him, hahaha naalala ko dati crush ko din siya”


Malanding impaktang toh? Humarot pa sa Ryuki na yun?


“pero Stacy Lim, ngayon ko lang naramdaman ang ganong feeling”


Bigla ko tuloy naalala yung ginawa niya sa akin kahapon, bwisit! Yung mga mata at pilik mata niya, yung mga labi, yung ilong niya…


o///////O ano bang nangyayari sa akin? ? ? asar! ! !


“hmmm maybe, you’re in love to him, am I right?” ngumit naman ng nakakaloko ang impakta kong kabigan.

“whats with that creepy smile? Hoy! Wala no! wala akong gusto sa kanya! Tandaan mo yan!”


Binilisan ko ang lakad ko, asar! Duh? Sa patpatin na yon? Hahah no way, at kung mangngarap man lang ako ng lalaki ehh yung gusto Leader ng Mafia o kaya Yakuza! Hohohoh ^_______^



Nakarating na kami sa school ni Stacy, and just like the usual thing, layo agad ang mga tao sa akin, natural na yon, matakot sila sa dala kong sword sa likod ko ehh.


“wait, resectioning di ba ngayon?” nagulat na tanong ni Stacy.

“Oo, bakit?”


“wow! Sana maging kaklase natin sila Ryuki at Rinku!”



O_________O ano daw?



“ano? Teka nga, bakit Masaya kang maging kaklase ang isang patpatin aber? Gusto mo ba akong mamatay?”


“teka? Bakit ka naman mamamatay? Hmmm sabi ko na nga ehh may gusto kay kay Ryuki”


Leche, isigaw ba? Ano ba naman tong si Stacy, but well, okay lang, at least…layo ang lahat sa akin…wala namang makakarinig.



“Ano? May gusto ka sa akin?”


O___________O tila nag-iba ang daloy ng dugo ko sa buong katawan at nangisay ako for a sec nang makarinig ako ng boses ng isang….



“R-Ryuki?” nauutal kong tanong.


Lumapit naman sa amin ang damuho.


“hahah sabi ko na nga ba ehh may gusto ka sa akin! Hahaha”



Potapete naman ohhh…Stacy, tumakbo ka na.



“ahh ehh aalis muna ako ahh titignan ko lang secton ko…bye” nakaramdam ang gaga at tumakbo paalis, so? naiwan ako at ang damuho.



“hahahahahahaha” sige pa din ang hagalpak ng lokosa kakatawa. I gave him a very dark look. * you…


Dumating naman ang kaibigan nito.



“OH! Rinku!” tawag nito

“bakit ka naman Masaya jan? nangyare?” tanong ni Rinku.


May binulong naman si Ryuki kay Rinku kaya di ko narinig ang sinabi nito. Nabigla naman ang reaction si Rinku sa sinabi ni Ryuki.


Mamatay ka na. =_____=




Naglakad na ako paalis para tignan sa bulletin board ang section ko, ng may pumigil sa akin.


“oy, aalis ka na?” nakangiting aso nitong sabi sa akin.


Di ko naman napigilan ang sarili kong mamula… *…bakit ba ang galawgaw ng tiyan ko.



“let me go” kumawala ako dito dahil anytime masasapak ko nanaman siya.



“YA-NNAA! ! !” sigaw ni Stacy habang tumatakbo papunta sa amin.


Ng makarating toh sa lugar namin, isang nakakaloko na ngiti ang sinalubong nito sa akin.



“ohh? Anyare sayo?” tanong ko dito tsaka siya lumapit sa akin at may ibinulong.



O________________O



Para akong isang bulkan na sumabog ng marinig ko ang sinabi ni Stacy.


“classmate natin si papa Ryuki!”

“classmate natin si papa Ryuki!”

“classmate natin si papa Ryuki!”


Ilang beses nagpaulit-ulit sa utak ko ang sinabi ni Stacy sa akin.



=_______= ano po bang nagawa ko Lord? ? ?



“Yanna!” tawag sa akin ng isang teacher.


“Maam Madison bakit po?”


Si Ms. Madison Han new teacher dito. Dati ko na siyang niligtas sa mga students na walang galang at lagi siyang binubully!


“teacher niyo nga pala ako ngayon, kasama sa resectioning ang pag-iiba ng mga teacher sa mga subject! Im happy na makakasama kita” masayang sabi nito. Never ko pa kasi naging teacher siya gawa nga na bago lang siya, pero kilala ko nga siya kasi minsan ko na siyang niligtas.


“wow! Nice naman maam! Masaya ako dun” sabi ko dito.


“mas Masaya ako Yanna!”


=____= tololoink,,,,nagsalita ang damuhong si Ryuki. Humanda toh..



Tinitigan ko ng masama si Ryuki. Mamatay ka na! ! !




Sa classroom.



Nagsitting arrangement na kami, and sa wakas, mabait ang panginoon sa akin at nasa malapit na bintana ang seat ko. ^____^ Masaya kasing mag-viewing dito kapag boring ang lesson ehh XD


Pero….kung may good news, may bad news…


You wanna know what the bad news? ? ?


“HI Yanna! Im happy na seatmate tayo” masayang bati sa akin ng Ryuking mukhang patpating mais.


“sa palagay mo Masaya ako?”


“hmmmm hindi?”



“tama! At wag na wag mo akong kakausapin! Kundi, itong si YOTONO ang papakausap ko sayo!” sigaw ko dito.


Napansin ko naman na parang nagtataka siya sa sinabi ko.


“yo-to-no?” tanong niya.


*facepalm* bobo nito.


Tinalikuran ko lang siya at naglakad palabas ng room. Ng bubuksan ko na ang pinto.


Bigla naman itong nagbukas kasabay ng pagpasok ni…



“Hi Yanna! Remember me? Im Clarenz, classmate nga pala na tayo”



“as if I care! Alis jan”



Hinawi ko ang mahangin na si Clarenz chuchu…tsss ang yabang….











______________________________

avatar
BaDReminisce
Weeb Realizationist

Posts : 52
Points : 8225
Age : 23
Location : Antipolo City

View user profile

Back to top Go down

CHAPTER 4. My Girlfriend is a Yandere? (original story by BaDReminisce)

Post by BaDReminisce on Thu 30 May 2013, 4:50 pm

MGY : 4. [ The Bet ]




Ryuki’s POV


“okay, for 10,000 pesos. Deal!”


“Deal!” masayang sabi ni Rinku.


“pero teka? Paano ko nga magagawang maging girlfriend ang babaeng yun?” napaisip ako bigla sa bet namin ni Rinku, para kasing mahirap ang gagawin kong toh, lalo na’t isang amazona ang tatargetin ko ngayon. Psh, okay lang for 10,000 pesos sake gagawin ko lahat haha!

“That’s not my problem dude, osige Oyasumi!” tsaka siya umalis sa harap ko at natulog na.


*, makakaya ko kaya yon? Pero…sige bahala na nga…

“HI Yanna! Im happy na seatmate tayo” masayang greet k okay Yanna, Yes, maybe this is a good chance, ang maging classmate slash seatmate ko. Syempre, by that makakagawa ako ng mga kilig moves ko. Hahaha I know na kaya ako ang certified Casanova sa school na ay dahil sa matatamis kong salita, given na ang kagwapuhan kong nagpapakilig agad sa mga babae dito.


“sa palagay mo Masaya ako?”

Pero Malabo yata sa babaeng toh…tsk, pero ang isang Ryuki Morales di agad sumusuko, konting pakilig lang sa amazinang babaeng toh, bibigay din toh sa akin.


“hmmmm hindi?”



“tama! At wag na wag mo akong kakausapin! Kundi, itong si YOTONO ang papakausap ko sayo!”

Iba din ang topak nito ehh noh? Parang girl version ni Rinku, yotono daw? What was that? Japanese stuff nanaman niya? * don’t tell that she’s also an otaku? Ohh come on, yan ang ayaw ko sa mga babae…ang hlig sa anime, manga, at chuchu pa! kadiri.






“yo-to-no?”



Napa-face palm na lamang to tsaka tumayo palabas ng classroom namin, dahil wala pa kaming teacher.


“Hi! Ako si Stacy, im a friend of Yanna!” may babae naman na lumapit, I know her, siya yung laging kasama ni Yanna, hmmmm


I stare at him for a sec…and I realized that she’s cute. Hindi maputi at hindi maitim, I love her smile also. Perfect! Ehh kung siya kaya muna ang ligawan ko? For sure bibigay toh.


“ahh nice meeting you” I offer my hand ti her and nagshakehands kami.


Bigla naman dumating si Rinku.


“you’re here Otaku nerd!” bati ko dito.



“yes * Casanova.” As he reply sarcastically.


Umupo naman toh sa likod ko.


“jan ka nakaupo?” tinanong naman siya ni Stacy.


“yup”


“ahh ikaw pala ang seatmate ko. Naks! Ako si Stacy!”


“wow, im Rinku.”


“oww are you a Japanese?” Stacy asked.


“yup, half lang” sabi ni Rinku sabay smile, I guess OP na ako kaya aalis muna ako dito.



Lumabas na ako ng classroom at sila patuloy pa din na nagkwentuhan. Paglabas ko naman ng classroom, madaming babae ang sumalubong sa akin.


“Hi Ryuki!” bati nilang lahat, at kung nasa anime lang toh na pinapanuod ni Rinku, yung mga mata nila hugis heart na. =_____= iba na talaga pag gwapo.


I gave them a smile and muntik ng may mahimatay. *. Ayoko na.

Naglakad na ako paalis sa kanila at bumaba sa cafeteria. Ng paliko na ako sa isang hallway.


“YAH! ! !”


O_________O


Ano toh? ? ? training ng mga Yakuza? ? ?



“nice Yanna, ang galing mo”


“Oo naman Kuya Ynnos, ako pa?”


“naks”


Kuya? May kuya pala ang amazona? Hmmmm


Lumapit ako sa kanila.



“Hi Yanna BABES!” sabi ko dito. Hindi ko naman mawari ang reaction sa mukha ni Yanna at ng Kuya niya.


“ahhh? Babes? ? ?” bulyaw nito sa akin.


“Oo! Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap ehh”


“ahh? Sira ba ang utak mo damuhong Ryuki! Umalis ka sa harap ko bago ko gilitan ang leeg mo nitong ni Yotono!”


“wag naman babes, sa harap pa ng kuya mo”


Humarap ako sa Kuya niya na mukhang gulat sa mga narinig niya. Pssshhh…


“Hello po Kuya” sabi ko dito. Nagulat naman si Yanna sa sinabi ko.


“Hoy anong Kuya! Ako lang kapatid ni Kuya Ynnos ko!” pagmamaktol ni Yanna.


“hayaan mo siya Yanna!” cool na sabi ng Kuya niya. Wow! Para siyang leader ng gang! Astig! ! !


“sino ka?” tanong ng Kuya niya.


“ako po si Ryuki Morales, nililigawan ko po ang kapatid niyo!” masiglang sabi ko dito.


O/////////o yung mukha naman si Yanna, parang pulang kamatis. Hahaha nice moves Ryuki! Konting na lang.



“ganun? Maari bang pumunta ka sa bahay namin para makilala mo ang aming ama”


“sige po”


Umalis na ang kuya ni Yanna at iniwan kami, si Yanna naman tulala pa din sa mga nangyari.





Yanna’s POV



Sabihin niyo sa akin, pwede naman ang pumatay di ba? Pwede naman? Lalo na kung isang damuhong patpatin na tulad ng lalaking toh…


Ohh God kill me. =____= ano bang pinagsasabi nito.



“ui! Galaw galaw!” someone poke me then I wake up in my daydream. At sumama agad ang aura ko ng Makita ko ang isang lalaking nagngangalang Ryuki.



Grrrrrrrrrrrrrrrrrrr....Close your eyes at dadanak na ang dugo…



“HOY HAMBO NA PATPATING DAMUHO KA! ANONG PINAG-SASABI MO SA KUYA KO!”


“bakit? Balak ko naman talaga na ligawan ka ahh!”



o/////O bakit ba ako naninigas kapag sasabihin niya ang mga bagay na yon.



“SIRA BA ANG UTAK MO! PAG NALAMAN NG PAPA KO ITO IHANDA MO NA ANG BUROL MO!”



Tsaka ko siya iniwan mag-isa at bumalik na sa klase.




Natapos ang buong araw na bad trip ako… bakit? ? ? tuwing lilingon ako sa likod ko, may itim na aura ang nakikita ko at nagdidilim ang panigin ko. Grrrrrrr Sana nung naging Student council president ako nakapasa ako ng batas na R.A. 666 act o mas kilalang Kill People you hate Bill at for sure puno na ng dugo sa classroom namin ngayon. Grrrrr..


Umuwi na ako right after ng class namin. si Stacy naman may ginawa pa sa drama club nila. psshhh ang landi lang non.



“Welcome back Prinsesa” bungad sa akin ng mga bantay ni papa tsaka sila yumuko sign ng respect sa akin.


“Prinsesa pinapatawag po kayo ng inyong ama” tinawag naman ako ng maid namin kaya agad akong pumunta sa kwarto ni Papa.


*tok-tok*


“Pumasok ka Yanna”


Iba yata ang aura ng papa ko.


Pumasok ako at naupo sa sofa.


“bakit niyo po ako pinatawag papa?”



“MAY NANLILIGAW NA DAW SAYO!”



O_________o NAGULAT NAMAN AKO SA SIGAW NG AKING AMA



Sabi ko sayo Ryuki! =_______= patay ka! ! !









______________________________

avatar
BaDReminisce
Weeb Realizationist

Posts : 52
Points : 8225
Age : 23
Location : Antipolo City

View user profile

Back to top Go down

CHAPTER 5. My Girlfriend is a Yandere? (original story by BaDReminisce)

Post by BaDReminisce on Thu 30 May 2013, 4:50 pm

MGY : 5. [* Casanova]



Yanna’s POV


“PAPA, hindi po totoo yan!” bulyaw ko agad upang ipagtanggol ang sarili ko. Anak naman ng tokwa ohh. Paanong may manliligaw sa akin ehh mas lalaki pa nga akong kumilos sa kanila. =____=

“pero iyon ang sabi ng iyong Kuya Ynnos, sabihin mo Yanna kung sino siya?” nagtaka naman ako sa sinabi ni Papa.

Teka? Si Kuya Ynnos ang nagsabi? Oppss teka? Hindi naman kaya…


“papa, ano pong sinabi ni Kuya Ynnos?” tanong ko kay papa, ng bumukas bigla ang pinto ng kwarto.


“Kanina, di ba nagpakilala sa akin yung kaklase mong si Ryuki? Nililigawan ka niya di ba?”



O___________O


Ano daw? That * Casanova, wala talagang magawa sa buhay niya? Ano bang pumasok sa kokote nun at…



“Teka, kuya, hindi totoo yun! Nagloloko lang yung ugok na yon! Haist! Humanda sa akin ang lalaking yown! ! ! asar!” naiinis akong lumabas ng kwarto ni papa pero hinabol ako ni kuya Ynnos.


“Yanna, hindi ka pa tapos kausapin ni Papa, bumalik ka dito!” natakot ako sa sigaw ni Kuya kaya bumalik ako sa loob.


Ng makarating ako sa loob agad na nagsalita si Papa.



“Gusto kong makilala ang Ryuki na yon ! bukas na bukas din”


O_______O God kill me. Why this things happening to me?



The next morning…



“Stacy what should I do? Paano ko mapapapunta si Ryuki sa bahay namin? and waahhhh! Mababaliw ako!”


“Yanna, why don’t you ask him first, malay mo pumayag naman si Ryuki, and besides he started all of this right?”


“yun na nga pero Makita ko lang ang anino ng ugok na yun, gusto ko ng saksakin ng yotono ko eh”


“well, you need to behave coz you need him! Haha”


“* life”



Nakarating na kami agad sa school at pumasok sa loob ng classroom, sumambulat naman sa akin ang limang babaeng nakapalibot sa seat ko. Ano naman ang ginagawa ng mga malanding yan sa upuan ko?


Agad kung sinugod kung anong meron doon at kung bakit sila mukang timang na namumula ang mga mukha.

Ng Makita ko ang nakaupo sa upuan na si Ryuki Morales. * ang aga namang mambwisit nito. =_____=


“ooh! Nanjan na pala ang babe ko! Hi baby!”

O/////o ewww what was that! please don’t do it again! Nakakadiri! ! ! yucks! ! !


*boogsshh*

Hinagis ko ang bag na sing bigat ng limang sakong bigas sa table ko.


“bakit ka nanjan sa seat ko? May upuan ka naman ahh!” agad ko siyang tinignan ng masama.

Pero siya ayun nakangiti na parang aso at ang sarap katahin at gawing pulutan ng mga lasingerong bantay ng tatay ko sa bahay.


“wala lang, gusto ko lang kase ma-sure na okay at comfortable ka sa seat mo” matapos niya sabihin yon bigla itong kumindat.


o///////O HOLY SHIT!


“UMALIS KA JAN MORALES KUNG AYAW MONG TAGPASIN KO ANG BALUNAN MO!” sigaw ko dito.


Tumayo naman ito at naupo sa upuan niya na apparently nasa likod ko. Ang galing tadhana noh? Lakas mang asar!

Inayos ko ang mga gamit ko ng may napansin akong isang papel sa ilalim ng desk ko.


“ano toh?” kinuha ko iyon at binuksan at…



=_____= or O/////o


Di ko alam kung kikiligin ba ako o matatae sa nakita kong isang love letter na sulat pa nang ballpen at kulay violet. Leche. At ang nagsulat sino pa ba? Ang damuhong nakaupo dito kanina.


Lumingon ako sa likod ko at nakita kong nakatingin sa akin si Ugok at ngumiti.


“pakyu ka” sambit ko dito ng biglang dumating ang teacher namin.



Matapos ang klase, pumunta naman ako sa office ng student council para asikasuhin ang school festival this month. Ng hindi ko inaasahan na dumating ang isang Ryuki.


“what are you doing here?” I asked.


“ahmmmm mag-isa ka lang dito? Nakita ko kasi tong papel sa ilalim ang desk ko, and its from you” from me? “you’re inviting me to your home? Sure! I’ll go!”


O___________O what the hell? Sino daw? Ako? * ba siya?


Teka? Stacy Lim, sabihin mong hindi ikaw ang may gawa nito kung hindi papalapa kita sa aso namin.




Ryuki’s POV




“bro, so? ano? Gumagawa ka na ng moves mo?” Rinku asked.


“yeah! And one way or another, makukuha ko din ang 10,000 pesos ko sayo stupid otaku nerd! Haha”


“hahah as if * Casanova!”


He keeps on watching a anime and I go to bed.



Then morning comes. And pumasok ako ng maaga kaysa kay Rinku.


WHY?

Of course, for my plan hahaha! Most of the girls na nakuha ko, napakilig ko sa loveletter tactic ko! Haha so? let see kung gagana toh kay amazona.^____^


Nilagay ko yung loveletter under her desk para Makita niya agad once na ayusin niya ang mga gamit niya. Then dumating na ang ibang kaklase namin. agad naman na may pumuntang limang babae sa akin.


“ang aga mo naman Ryuki” sabi ng isa

“oo nga, siguro masipag ka talagang pumasok” dagdag pa ng isa.


Lahat ng boses nila ay parang seductive tune ang lumalabas, psshh hahah iba na talaga pag sikat na playboy! Ohoh! Pero may lima pa akong Gf ngayun ehh behave muna sa lima.

Don’t worry girls, tomorrow break ko na ang isa. Para maka-apply kayo! Haaha ^____^


Maya-maya pa dumating naman na ang amazona. XD yes! Excited na ako.


Tumakbo agad toh sa pwesto ko, kung saan nakaupo ako sa seat niya.



“ooh! Nanjan na pala ang babe ko! Hi baby!” bati ko dito. Agad namang namula ang pisngi niya. Hahaha


*boogsshh*

Hinagis niya ang bag niya sa desk na sobrang lakas ng bagsak dahil mabigat ang mga ito. Ohoh! >____<

“bakit ka nanjan sa seat ko? May upuan ka naman ahh!”



“wala lang, gusto ko lang kase ma-sure na okay at comfortable ka sa seat mo” patuloy lamang akong ngumiti sa kanya at binigyan siya ng isang kindat. Mas namula naman ang mukha nito sa ginawa ko. Hahah

Alam niyo ba na ang kindat ko ang pinaka mabisang pang-akit sa mga babae! Haha XD


“UMALIS KA JAN MORALES KUNG AYAW MONG TAGPASIN KO ANG BALUNAN MO!” sumigaw ito at tsaka ako tinignan ng masama, pero di ako nagpakita ng takot. Tumayo lamang ako ng tahimik na nakangiti at umupo sa upuan ko. ^____^
Inayos niya ang mga gamit niya ng tumigl ito, for sure nakita na niya ang letter ko HAHAHAH Xd HINDI YUN LOVELETTER….


I call it, FLIRTLETTER! Xd ampupu! ! !

Lumingon ito sa akin at may sinabi.

“pakyu ka”


Matapos ang klase, bumalik ako sa seat ko ng maiwan ko ang case ko. Pero may isang letter sa desk ko. Kinuha ko toh at baka waring letter ni amazona hahaha. Pero iba ang nakita ko.

Nagulat ako at dali-daling pumunta sa office niya.


“what are you doing here?” she asked.


“ahmmmm mag-isa ka lang dito? Nakita ko kasi tong papel sa ilalim ang desk ko, and its from you, you’re inviting me to your home? Sure! I’ll go!”



Hahahahaha umpisa na ng 10,000 PESOS KO! Whoa! ! !

______________________________

avatar
BaDReminisce
Weeb Realizationist

Posts : 52
Points : 8225
Age : 23
Location : Antipolo City

View user profile

Back to top Go down

CHAPTER 6. My Girlfriend is a Yandere? (original story by BaDReminisce)

Post by BaDReminisce on Thu 30 May 2013, 4:51 pm

MGY : 6. [Go to hell all alone Ryuki]



Yanna’s POV




“WHAT THE HELL ARE YOU TALKING ABOUT! DI KO BINIGAY SAYO ANG POTANG LETTER NA YAN NOW! GET LOST! OR ELSE….WAHHHH”



Hindi ko napigilan ang sarili ko na mag-amok gawa ng bad trip na ako kahapon at ngayong araw. Leche! Ini-stress mo ako Ryuki! And that Stacy Lim, wala na talagang nagawang matino sa buhay ko. pero teka? Yun nga yung kanina ko pang problema, paano ko siya mapapapunta sa bahay namin para makilala ni Papa. *…* life, siya din kasi ang may kasalanan nito. Kung hindi niya sinabi na nililigawan niya ako eh di sana, happy pa ang lahat. Naku Lord, kung makakapatay ako patawarin niyo po ako. Bakit po ba kayo lumikha ng isang Ryuki Morales na mundo.


I know that he’s popular here on pur campus, lalo na sa mga girls, kaya nga di ba CASANOVA ang loko sa school namin. kilala ko na din siya dito sa campus since first year but not to the point na maging magkaklase kami at may ganitong eksenang ligawan ang nangyayari. Sabi din nila magaling da basketball ang lokong toh, pwes di halata. Naaasar pa din ako sa kanya.



“ganun ba? Bakit ayaw mo? Pupunta naman ako ahh? Hmmm sige, uwi na ako” nag-pamulsa naman toh at tumalikod sa akin at nagumpisang maglakad.


Yanna, paano na? dib a dapat pupunta siya sa bahay niyo ngayon? Kung hindi lagot ka sa Papa mo, ayaw mo naman siguro kumain ng Sushi at isasaw sa rice wine na puno ng wasabi di ba? Ayaw mo yun? Ang ang-hang nun Yanna.


*shhhhgg*


I heard the sliding door closed, isang hint na lumabas na si Ryuki, bigla naman akong natauhan sa narinig ko.




“T-TELA L-LANG R-RYUKI!” tumalon ako mula sa pwesto ko sa upuan sa table sa harap ko at dali-daling tumakbo palabas ng Student Council Office. Kaso pagbukas ko ng sliding door.



^______^ nanatiling nakatayo pala si Ryuki sa labas ng pinto. At ang eksena.



1 inch lang ang kayo ng katawan ko sa katawan niya, mejo matangkad lang siya ng konto. Kasi yung level ng mata ko sa lips niya lang. at speaking lips. Bakit ang nipis at ang pula ng labi ng nilalang natoh. Natulala naman ako sa labi nito. Ng napansin kong gumalaw ito. It means nagsalita siya.

Tumingala naman ako, at nakita ko ang nangungusap nitong mga mata.


=____= pakyu ka Yanna, nagiging makata ka na sa lalaking yan ahh what’s wrong you bitch Yanna Yamamoto?



“wahhhh” napaurong ako pabalik sa loob ng SCO. (Student Coundil Office)



“bakit mo ako tinawag Yanna Baby?”



O//////o Ohh God, bakit ba ang laking epekto sa akin ng mga salitang yon, lalo na pag binabanggit niya ang pangalan ko? why oh why?



“HOY!” point a finger to him “SUMAMA KA SA AKIN SA BAHAY!”



O_________O



Mukha naman siyang palakang naulanan na nakatulala sa akin.



“ako? Sasama na sa bahay niyo? Di ba? Ayaw mo?”




“BAKA! Gusto ko na nga ehh! Tsaka! GUSTO KA MAKILALA NG PAPA KO!”



My goodness Yanna, ano bang nangyayari syo. Hingal na hingal ako sa mga sinabi ko sa kanya sabay na napaupo sa isang upuan.



“Ganun ba Yanna Baby? Sige, sasama ako! Hinatayin na lang kita sa school gate! Bye! See you later baby!”


With that…umalis na siya sa loob ng SCO. At ako? Parang isang bata na walang kalaro. Naiinis na …..



Kinikilig ang nararamdaman ko ngayon.



A FEW MINUTES PASSED.



Wala naman na akong ginagawa dito sa office, natapos ko na ang distributing ng mga classrooms para sa school fest. Pati mga papers ng mag teachers na kailangan ng sign ko natapos ko na din. So? uuwi na ako.


Tumingin ako sa relo ko, and its 5:05 PM na.



“ohh God, sana wala namang balak na masama ang lalaking toh kay papa.”


Napabuntong hininga na lang ako habang nakamasid sa labas ng bintana dito sa SCO, at pinagmamasdan ang school gate kung nandun na ba si Ryuki.



“HE’S THERE” nabuhay ang buong diwa ko ng Makita ko si Ryuki na tumatakbo na papunta sa school gate. Naka-basketball shorts siya at naka-rubber shoes at jersey. Parang galing gym at naglaro ng basketball. May mga lalaki naman na dumating at nakipag-apir sa kanya ay lumabas ng school gate.


Isa pang nanlaki ang mata ko ng Makita ko si Stacy na kinausap si Ryuki at nag-buhbye sign at lumabas na ng school gate.


PUNYATERANG STACY LIM! Humanda ka sa akin sa bahay! ! ! ! ! ! ! !



Inayos ko na ang gamit ko at sinuot ng Yotono ko sa likod, sumilip ako ulit sa labas at nakita kong naghihintay pa din si Ryuki sa labas.


5: 20 PM na…


Bumaba na ako sa school building at naglakad palapit kay Ryuki sa school gate.



“Yanna!” masayang tawag nito sa akin. But I gave him a very scarry look. Napansin niya naman toh.


“OHH!” napahinto ito sa paglapit sa akin



“LETS GO!” sigaw ko sa kanya at nagumpisa ng maglakad. Naramdaman ko naman na sumunod na ito agad sa akin.



HABANG NAGLALAKAD.




“Yanna, okay lang ba kahit naka-ganto ako? Baka ma-turn-off naman ang papa mo sa akin?”


Ano bang inaangal nito? Asar ahh.



“AYOS NA YAN! Tsaka bakit naman inaalala mo pa yon? Hoy ungas! Ang sasabihin mo sa papa ko, hindi mo ako nililgawan! Tapos!”



“ahhh? NO! ICANT DO THAT?!”



“WHY?”


Napahinto kami pareho sa paglalakad. Tumingin ito ng seryoso sa akin. Tinignan ko din siya ng seryoso na mejo kunot pa ang noo ko at naka-taas ang mga kilay.



“I JUST CANT! And im serious to court you Yanna”


O/////O pakyu ka.



Tumalikod na lamang ako sa kanya at naglakad ng mabilis. Bakit ba Yanna, nagkakaganyan ka sa lalaking yan? Eww…


Feel ko namumula ng husto ng mukha ko sa kanya….leshe…






SA TAPAT NG YAMAMOTO RESIDENCE.



“you live here?” he asked.


“yes? Anong akala mo sa akin? Anak ng basurero?” inisnab ko siya at nag-doorbell na.



Binuksan naman ng mga alagad ng papa ko ang gate at pumasok na kami.



“WELCOME HOME PRINSESA YANNA” sigaw nilang lahat na animoy isang Philippine Army.



O_____O

Halata naman sa mukha ni Ryuki na gulat siya sa mga nakita niya. Tinignan ko naman toh.


“HOY PATPATIN! TARA NA”



Naglakad na kami papunta sa kwarto ni Papa. Nakasalubong ko si Kuya Ynnos.


“Kuya, he’s here” nauurat kong sabi sa kuya ko, pero ang Ryuking malantod.



“HI KUYA YNNOS” bati nito sa kuya ko na puno ng ngiti sa labi. * tohh ahh



“Pumasok na kayo sa kwarto ni Papa, kanina pa niya kayo ina-antay.” Seryosong sabi ni Kuya Ynnos sa amin.


Hinila ko naman si Ryuki sa way na papunta sa kwarto ni Papa.



“ahmmmm Yanna, hinahawakan mo na yata ang kamay ko?”



O____O

Nawindang ako sa sinabi ng mokong…tinignan ko ang mukha nito at nakangiti ng nakakaloko…



*, go to hell Ryuki all alone…


=_____=



Nakarating na kami sa harap ng pinto ni Papa.


*knock-knock*




“PUMASOK KAYO”



Isang seryosong boses ni papa ang narinig namin. hays…sana walang gawing masama ang lalaking toh…



God kayo na po bahala…. TT^TT



______________________________

avatar
BaDReminisce
Weeb Realizationist

Posts : 52
Points : 8225
Age : 23
Location : Antipolo City

View user profile

Back to top Go down

CHAPTER 7. My Girlfriend is a Yandere? (original story by BaDReminisce)

Post by BaDReminisce on Thu 30 May 2013, 4:52 pm

MGY : 7. [The Yandere’s Father]





Ryuki’s POV



Mukhang maganda yata ang mga mangyayari ahh, mejo ramdam ko na ang amoy ng 10,000 Pesos ni Rinku, hahah humanda ka sa akin Otaku Nerd! Wahahahah akin na yang 10,000 Pesos. ^_____^ *evil face*


“PUMASOK KAYO”


Isang matipunong boses ang narinig namin sa loob ng kwarto, halata naman sa mukha ni Yanna, ang inis at kaba? Bakit ba? Tsaka lately, ang weird ng mga tao sa bahay nila. pero syempre noh, di ako natakot, and the fact na mukha silang mga Yakuza member of kaya naman Lord of Mafias pero wapakels na ako dun.



“Hoy, Ryuki! Umayos ka sa harap ng papa ko, hindi mo alam kung paano magalit si Papa.” Seryosong sinabi sa akin ni Yanna, gaya din ng paglisik ng mga mata nito.



“Oo naman baby, ako bahala, tsaka one of these days, pag napasagot na kita, para ko na ding papa ang papa mo. Di ba?” ngumiti ako sinabi sa kanya yan, halata naman ang pagkadismaya niya sa ginawa ko. ohh I know you girls, lahat kayo kinikilig sa ngiti ng isang gwapong tulad ko. hoho.


Hinawakan ni Yanna, ang door knob at binuksan ang pinto, pag bukas niya, isang dim light room ang nakita namin. tanging mga kandila lang ang nagbibigay ng ilaw sa buong kwarto. Pansin ko din ang design ng kwarto, gawa ng may kasama akong isang Otaku nerd sa bahay, alam ko na ganito ang style ng mga bahay sa Japan.


“Papa, kasama ko na po siya” sambit ni Yanna, habang nauuna sa akin sa paglalakad, so? ang laki pala ang kwartong toh, pero di ko Makita ang kabuuhan gawa nga na madilim ang kwarto.



“maupo kayo” nagsalita muli ang isang matipunong boses.



Tumungin sa akin si Yanna, isang hint na maupo na daw ako at umayos sa buhay ko. psshh yung mga mata niya daig pa ang tigre na kakain ng usa. Grabe, kaya mas mukha pa tong lalaki sa akin ehh.



Naupo ako sa isang malambot na bagay, para mat na ginagamit ng mga Japanese as their chair sa Japan. Naupo din ako tulad ng style ng pagupo nila.



Isang tahimik na paligid ang pumalibot sa buong kwarto. Maya-maya pa, humarap na sa amin ang papa ni Yanna.



“Ikaw ba ang manliligaw ng anak ko?” tanong nito sa akin.


Kinabahan ako sa itsura ng papa niya, matipuno ang katawan at balbas sarado ang mukha, pansin mo ang mga malalaking muscles sa katawan, shit! Nakakatakot siya, para siyang isang Yakuza, o kaya naman Mafia Boss. Grabe! Di na din ako magtataka kung bakit ganyan si Yanna at ang kuya Ynnos niya, siguro kung ganito ang tatay ko. ohh God Kill me for my own sake.



“Opo! Ako nga! Ako po si Ryuki Morales! Nice meeting you sir!” sagot ko sa kanya na puno ng lakas ng loob, syempre di ako dapat magpakita ng takot sa harap niya, baka hindi siya pumayag na maging boyfriend ako ni Yanna.



“Ahh papa, nakilala mo nap o siya, ahh ehh baka pwede na siya umalis, busy kasi si Ryuki sa basketball team nila, may training pa siya ngayon.”


Nabigla naman ako sa sinabi ni Yanna, tinignan ako nito na nagsasabing sumakay na lang daw ako, pero bakit naman? Ano bang kinakatakot ng isang toh? Haha siguro ayaw niya pa akong makilala ng papa niya, hmmm pwes hindi pwede.


“ahh? Yanna, baby, tapos na ang training namin, and besides, okay lang sa kin na di pumunta sa training basta sa papa ng baby ko.”


Nakita ko naman ang pagkainis sa mukha ni Yanna, hahaha nakakatawa talaga ang babaeng toh.



“ganun ba?” nagsalita muli ang papa nito. “kung gayon, Yanna, lumabas ka muna ng silid at may paguusapan kami ng manliligaw mo”



“AHH? PERO PAPA” napatayong angal ni Yanna “bakit naman? Papa, di ko hahayaan na may gawing miserable ang lokong toh! PAPA”


“YANNA” nagulat kami pareho sa malakas na pagkakabanggit ng papa ni Yanna, sa pangalan niya.


Walang nagawa si Yanna, kung di ang lumabas sa loob ng kwarto. Tumingin ulit ito sa akin, nangungusap ang mga mata niya. Hmmm don’t worry baby, ako bahala. ^____^



Ng makalabas na si Yanna, kami na lang ang naiwan ng papa niya sa loob, natural, ewan ko pero di naman ako kinakabahan sa kanya. Para ngang matagal ko na siyang nakilala.



“Ryuki.” Sambit nito sa pangalan ko.



“YES SIR”



“may isang bagay lamang akong sasabihin sayo para sa aking anak” isang emosyonal na boses ang nanggaling sa papa ni Yanna.


“ano po yun Sir?”



“wag na wag mo siyang iiwan.”


Psshhh Natural, common naman na yan na comment ng mga magulang kapag magkakaboyfriend na ang anak nila. pero sir, sorry, im just doing this for our bet’s sake.


“opo sir. Im willing to be your daughters boyfriend, and I promise na di kop o siya iiwan”



“Ryuki, isang bagay pa.”



“ano po yun Sir.”



“hindi mo pa lubusang kilala ang anak ko. kapag siya ay nagmahal, dapat sa kanya lamang. At kung magagawa mo man siyang lokohin. Binabalaan ko na ang taong ipagpapalit mo sa kanya.”





Yanna’s POV



“SHIT! Ano na kayang sinasabi ng mokong na yun sa papa ko? hays, bakit ba hindi ako mapakali. Baka kung ano ng sinabi ng mokong na yun, hays, humanda talaga siya sa akin. ASAAARRR!”


“ohh Yanna! Bakit nasa labas ka? Kala ko nasa loob ka ng kwarto?”



“HOY STACY LIM! KASALANAN MO LAHAT TOH! KALA MO NAKALIMUTAN KO NA ANG GINAWA MO!”



“oyyy chill ka lang jan the! Haa tsaka infairness! Effecttive ang idea ko! haha”


“MUKHA MO”



“pero teka nga, bakit nasa labas ka? Sabi ni Kuya Ynnos, kamasa ka ni Ryuki sa loob?”



“pinalabas ako ni Papa, at si Ryuki lang ang nasa loob.”



“HUWAATTT?”



“Oo, kaya nga di ako mapakali dito sa labas ehh, di ko alam kung ano na pinaguusapan nila sa loob.”



“hala ka Yanna, baka naman pumayag na ang papa mo na maging kayo ni Ryuki, wow! And if that happens, CONGRATULATIONS! Miss Yanna Yamamoto! Wala ka na sa NBSB STAGE! YOOOHOOO! Saan ang party?”


“GAGA! BAKA! Hindi mangyayari yun no! and let me tell you Stacy Lim, A Y O K O SA RYUKI NA YOONNN! ! !”


Asar! Isa pa tong babaeng toh, tumataas lang ang dugo ko sa kanya. Hays…



“pero Yanna, may point din ako noh? Di ba? Nasa papa mo naman yun ehh kung papayag ba siya o hindi, pero Yanna, feel ko papayag yun kay Ryuki”


“paano mo naman nasabi Stacy?”



“basta! Vibes ko lang”



“pwes mali yang censor ng vibes mo!”



*ssshhhhggg*



Napahinto kaming dalawa sa pagtatalo namin ng bumukas na ang pinto ng kwarto ni Papa, at kasama niya si Ryuki na…




Ang taas ng ngiti sa putapeteng mukha niya. What’s with that annoying smile? Don’t tell me…



“Papa, ano pong kalokohan ang sinabi ni Ryuking mokong?” sabi ko sabay talsik ng tingin sa mokong. Pero ang sira ulo. Ang taas pa din ng ngiti.


“Yanna, pumapayag akong maging boyfriend mo so Ryuki.”







O________________O


Hu-wayt….katapusan na ba ng mundo?



“ANO PAPA?”



“Oo anak, payag ako, pero depende pa din sayo kung sasagutin mo si Ryuki.”



“Papa, ayaw ko! well, everything is depending on me, pwes, sasabihin ko na, ngayon pa lang, ayaw ko siyang sagutin”


“Yanna! Kailangan mong bigyan siya ng pagkakataon na patunayan ang sarili niya sayo”



Wala na akong nagawa kung di ang pumayag sa gusto ng papa ko. TT^TT poor Yanna…bwisit na lalaking yun.





Kinabukasan…



P.E. time…at may laro kami ng volleyball…



“Yanna, baby, binilhan kita ng tubig mo ohh”


O//////o


Di ko alam kung kikiligin ba ako o mauurat nanaman ng ganito kaaga sa mukha ng mokong na toh.


“akin na” kinuha ko ng pagalit ang tubig.



“ahmmm Yanna, baby, gusto mo punasan ko yung pawis mo?”



“wag na, kaya ko sarili ko, teka? Bakit di ka nakapang-P.E.?”

Napansin ko kasi na nakaschool uniform lang siya, pero nandito siya sa field.


“ahh kasi, ayoko ng larong volleyball, kaya sabi ko kay Maam, may hika ako! Hahah ehh naniwala naman si Maam, ehh tsaka konting pa-cute lang, ayun pumayag naman na.”



=_________= jusko, pati ba teacher, nahuhulugan ng panty sa pa-cute effect nito? Pwes sakin, di yan effective.



“ang pangit mo kaya!” sabi ko dito.


“ahh? Ako? Panget? Hahaha Yanna, baby, wag mo sabihin yan, baka sumugod ng buong fans club ko dito.”


O____O


“ano? May fans club ka?”



“Oo naman noh, sikat yata ang magiging boyfriend mo”



“olol ka! Alis nga jan”



Tumayo na ako sa bleachers at iniwan siya don mag-isa, paano kasi, naiinis na ako sa pagmumukha ng mokong, baka ilang saglit na lang at mawala na ako sa katinuan ko.


Naglakad naman ako papunta sa cafeteria. Tinapon ko yung mineral water na binigay ni Ryuki, pshhh di ko ma-take na uminom ng bagay na galing sa kanya.


Pumunta ako sa counter at umorder ng Iced Tea. Pero isang lalaking ang pumigil ng bayad ko.



“He! Let me go!”



“Yanna, dapat di ka umiinom ng Iced Tea”



“Teka? Ikaw yung…”



“im Clarenz” then smile. * toh ahh, ayaw ko sa lahat ng ngumingiti sa akin.



Naaasar kasi ako…



“paki mo ba? Gusto ko ng Iced Tea, im thirsty.”



“mag-tubig ka na lang”



“bakit ka ba nakiki-alam ahh?”



“Kasi laging kitang nakikitang Iced Tea na lang ang iniinum mo, masama yan sa kalusugan mo Yanna, im just concern about you”


“bakit naman?”



“coz, I like you!”



o/////////////////O





______________________________

avatar
BaDReminisce
Weeb Realizationist

Posts : 52
Points : 8225
Age : 23
Location : Antipolo City

View user profile

Back to top Go down

Re: My Girlfriend is a Yandere? (original story by BaDReminisce)

Post by Rho-kun on Thu 30 May 2013, 5:02 pm

Topic merged and moved to Original Stories Section.

Please do post in the right section and put each chapter in a single thread next time.

______________________________

"If a flat-chested girl gives you a hug, she holds you a lot closer to her heart."
avatar
Rho-kun
I am not a Weeb!

Posts : 848
Points : 10363
Age : 21
Location : My room

View user profile

Back to top Go down

Re: My Girlfriend is a Yandere? (original story by BaDReminisce)

Post by nhygine1298 on Thu 30 May 2013, 7:34 pm

Next Time din gawa ka din po ng story na tungkol sa mga members ng Tsundere Ph :)

______________________________


avatar
nhygine1298
I realized I was a Weeb

Posts : 135
Points : 10887
Age : 19
Location : Nueva Ecija

View user profile

Back to top Go down

Re: My Girlfriend is a Yandere? (original story by BaDReminisce)

Post by BaDReminisce on Thu 30 May 2013, 8:44 pm

sure po! :)

______________________________

avatar
BaDReminisce
Weeb Realizationist

Posts : 52
Points : 8225
Age : 23
Location : Antipolo City

View user profile

Back to top Go down

Re: My Girlfriend is a Yandere? (original story by BaDReminisce)

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum