Log in

I forgot my password

What’s on your mind?

*No Special Characters

Top posting users this week

Latest topics
» [4-8-15 Announcement] Overhauling of the Forum
Sat 26 Sep 2015, 12:09 am by ItsukaKotori

» New Member
Wed 16 Sep 2015, 3:22 pm by Kronenyan

» Old member just a new account
Wed 16 Sep 2015, 3:11 pm by Kronenyan

» Who got something to say?
Wed 16 Sep 2015, 3:09 pm by Kronenyan

» Most badass OSTs of all time?
Fri 29 May 2015, 12:40 am by YukikoSei

» I'm a newbie! :)
Thu 14 May 2015, 12:53 am by Kronenyan

» Hi there, New guy here.
Wed 06 May 2015, 9:46 am by Kronenyan

» Weebism: A phase or a nuisance?
Tue 05 May 2015, 3:48 pm by Gunzou

» Favorite mecha anime?
Tue 05 May 2015, 3:35 pm by Gunzou

Who is online?
In total there are 3 users online :: 0 Registered, 0 Hidden and 3 Guests

None

[ View the whole list ]


Most users ever online was 90 on Mon 27 May 2013, 4:21 pm
Dere Dere Chatbox

Necromancer Of Hades [ Episode 2 ]

View previous topic View next topic Go down

Necromancer Of Hades [ Episode 2 ]

Post by BaDReminisce on Thu 30 May 2013, 11:59 pm

Necromancer
Of
Hades

Sa mundo na lahat tayo ay takot sa kamatayan.
Sa mundo na puno ng masasamang nilalang.
Gugustuhin mo pa kayang mabuhay?
Kung sa buhay na iyong tinatamasan ay parang ka na ding patay.
Mahirap mabuhay sa mundong ito kung mabuti kang tao.
Mahirap din ang mabuhay sa mundong ito, kung masama kang tao.
Isa lang ang ibig kong sabihin.
Walang perpektong buhay.
Lahat may hadlang.
Lahat may pumipigil.
Lahat sila kalaban.
Di mo alam kung sino ang kakampi o kaaway.
Sa mundong puno ng paghihirap at walang kasiyahan.

Episode 1.
[ Buhay at Kamatayan ]


Cyrus POV



Araw ng lunes. Papasok sa school. Mag-aaral. Pagtapos ng klase. Papasok sa store. At pag gabi. Uuwi at magpapahinga.
Boring ang araw ko lagi.
Simpleng buhay.
Na sa isang iglap biglang magbabago.

“maraming salamat po Aling Marie”

“walang anuman, ikaw talagang bata ka! O ano? Pumasok ka na”

“kayo nap o ang bahala sa bahay ahh!”

“Oo naman.”

“sige po!”

Umalis na ako sa bahay matapos akong magpaalam kay Aling Marie. Hindi ko siya kaano-ano. Isa siyang mabuting kaibigan ng mama ko. Noong nabubuhay pa siya. Ang tatay ko? Iniwan niya na kami ng mama ko noong bata pa lamang ako. At ngayon, wala na akong balita sa kanya.
Mag-isa na lamang ako sa buhay mula ng mamatay ang mama ko sa sakit na cancer. Isang taon na din ngayon ng kanyang pagkamatay. Kaya naman mamayang hapon, dadaan muna ako sa puntod niya.
Isa nga pala akong highschool student. Nagtratrabaho din sa store bilang isang kargador.
Masaya na ako sa ganitong buhay. Walang naman akong problema sa bahay na tinutuluyan ko. Dahil nabili na ito ni mama noong buhay pa siya. Tanging pangbayad na lamang sa tubig at kuryente ang inaatupag ko. Ganun na din ang pagaaral ko. Base naman sa aking karanasan, nasanay na din ako sa ganitong pamumuhay.
Yung mga kapit-bahay na lang namin ang tumutulong sa akin. Katulad nga kanina ni Aling Marie.

“Cyrus!” isang boses ang narinig kong tinatawag ang pangalan ko. At hindi nga ako nagkamali.
“OH? Oliver? Ang aga mo yata ngayon pare?”
“ahh kasi kokopya ako ng assignment sayo hehe pwede naman dib a pare?”

Yan na lagi ang ginagawa mo simula first year pa lang tayo.

“Oo naman, di ka pa rin nagbabago.”
“ano ka ba Cyrus, busy lang kasi ako sa ibang bagay.”
“tulad naman ng ano?”

Naglalakad na kami papasok sa school. Hindi din naman kalayuan ang school, kaya naman tipid na din sa pamasahe sa jeep.
“hmmm teka nga? Mabago nga natin ang usapan Cyrus.” Tugon naman nito.
“at ano nanaman yun Oliver?” tinignan ko siya ng masama.
“alam mo. Bakit hindi ka makipagDATE sa mga babae para naman hindi ganyan kaboring ang buhay mo pre!”

Igagaya pa ako sa tulad niyang babaero. Hays.

“alam mo Oliver, wala akong oras sa mga ganyang bagay.”
“alam mo pare, matagal na kitang kaibigan eh, pero hanggang ngayon wala ka pa ding GF? Hmmm onti na lang mag-iisip na akong bakla ka.”
“ako? Bakla? Haha umayos ka nga pre, hindi naman sagot kung gaano kadami ang GF’s mo para mapatunayan na lalaki ka.”
“hmmm okay galing na din sa ehh”

Pumasok na kami sa school building. At nilagay sa locker ang mga gamit namin.
Siya nga pala si Oliver. Ang aking bestfriend. Nakilala ko siya noong first year highschool at mabait naman siya tao. Pero minsan maloko sa ilang bagay. Tulad na lang sa mga babae. At sa pag-aaral niya.
Hays…

“pare…si Alyssa!” sabi nito sa akin habang nagpapalit ako ng sapatos ko.

Si Alyssa? Siya naman ang babaeng sunod ng sunod kay Oliver.

“pare, tumakbo ka na!” sabi ko dito.

“pare huli na!”

Nakatingin ito sa likuran ko at…

“HOY OLIVER! ! ! SASABAY KA SA AKIN MAMAYA MAG-LUNCH O GUSTO MONG KATAYIN NA KITA!” malakas na sigaw ni Alyssa.

“Teka nga Alyssa! Ang ingay mo naman. Ang aga-aga pa eh” natatakot na tugon ni Oliver kay Alyssa.

Si Alyssa lang ang nakakagawa niyan kay Oliver. ^___^ Go Alyssa.

“teka? May assignment ka na ba? Baka naman kokopya ka nanaman kay Cyrus!”

Hays…ang gulo nila…

“osya Guys! Bago pa kayo magsaksakan jan aalis muna ako.”


Tumayo ako at nagumpisa ng maglakad palayo sa kanila. Maya-maya lang kasi sasabog na ang bulkan sa mukha ni Oliver. Yun ang kamao ni Alyssa.

Hays…
Naglakad muna ako papunta sa quadrangle.

Pasado alas-otso pa lang. maganda ang sikat ng araw. Buti naman. ^___^

“mama sana Masaya ka sa langit!” mahina kong sabi habang nakamasid sa kalangitan.

“CYRUS! ! ! UMILAG KA!”

“AHH?”

*BOOOGSSHHHH*


“hala! Ang sakit nun.”

Isang malakas na bola ng volleyball ang tumama sa mukha ko. Ang sakit. Aray ko po.

“okay ka lang ba Cyrus?” may babae naman na bumuhat sa ulo ko at nilapag sa lap niya.

“Elise? ? ahh ehh okay lang ako.” Tumayo naman ako sa pagkakabagsak ko.

“bakit ka kasi tulala dito sa gitna ng quadrangle eh” sabi ni Elise.
“ahh kasi …hehehe nagpapahangin lang.”

“hays… osya, punta ka na sa clinic baka may masakit sayo.”

“ahh ehh wag na. ayos lang ako.”

“ahh sure ka ahh? Sige bye! Back to the game!”

“sige.”

Si Elise. Maganda siya at napakabait. Kaklase namin siya. At kasali sa volleyball team ng school.

Natapos na ang mahabang klase. Isang bagay na boring ang tingin ni Oliver at sa buong klase ay natutulog lamang. Habang si Alyssa naman binabato siya ng papel pero hindi pa din magising. Si Elise naman halatang pagod sa training ng volleyball pero nakakasabay pa din sa klase. At ako?

Tahimik lamang na nakikinig. Pero sa maniwala kayo. Ako ang top 1 ng klase namin. Hindi kasi ako nakikipagcooperate sa recitation. Pero pagdating sa written. Doon na ako bumabawi.
Minsan naman nagrerecite ako. Pero hindi ganun kadalas. Mas gusto ko ang makinig sa mga sinasabi ng kaklase ko at tumaliwas dito gamit lamang ng isip ko.

Katulad ni Shane. Na sumagot kanina. Ang tanong ng guro namin sa Filipino.
Bakit daw walang mahanap na trabaho ang mga tao ngayon.
At ang sinabi niya naman.

“marapat na sisihin ang pamahalaan sa kakulangan ng trabaho sa bansa. Dahil sila ang dapat na namumuno hinggil sa ganitong problema.”

At ang nasa isip ko…

“bakit mo sisisihin ang mga nasa pamahalaan? Ehh kung yung tao nga bang nag-aaply sa isang trabaho ay hindi nga naman nararapat sa ganung trabaho!”

Yan ang kadalasan kong ginagawa sa klase. Ewan ko lang sa kanila kung ganya din sila.

Dismissal na. at bandang ala-singko na ng hapon.

“Cyrus! Sasabay ka ba sa amin ni Oliver?” yaya sa akin ni Alyssa.
“ahh di na muna, may pupuntahan pa ako ehh”
“ahh? Saan naman?” tanong nito.
“sa sementeryo, anniversary ni mama. Mamaya din pupunta pa ako sa store. Una na lang kayo.”
“ahh ganun ba? Heheh sige…teka? Ano bang sasabihin mo? HAPPY ANNIVERSARY or CONDOLENCE pa din? Hmmm”
“heheh wag na! wag ka na magsalita! Ang kulit mo heheh”

“sige ingats!”

Tumakbo na ito paalis. At ako inayos ko pa ang mga gamit ko sa locker ko.

At umalis na din ako.

Naglakad na ulit ako aalis sa school at pupunta sa sementeryo. Nilalakad din siya dahil nasa kabilang syudad lang naman siya.

Malipas ang isang oras. Nakarating na ako sa sementeryo. Pumunta agad ako sa lugar ng puntod ni mama.

Inayos ko ang mga puntod at nilinis ito. Tinanggal ang mga damong nakakalat at nilinis ang lapida ni mama.

“isang taon na din mama.”

Nilabas ko mula sa bag ang niluto kong tuyo na may kamatis at sibuyas.

Ito kasi ang paborito namin ni mama na almusal. ^___^

“ma, ito po, niluto ko yan kanina. Tsaka wag po kayong mag-aalala sa akin ngayon. Ayos na po ako. Alam ko naman na lagi lamang kayong nanjan sa tabi ko eh.”

Hindi ko na napigilan ang lumuha.

Maya-maya pa.


“hahahahahaha”

Isang malakas na pagtawa ang narinig ko. Nilingon ko ang sementeryo pero. Walang tao, bukod sa akin.
Wala naman kasing mga bisita ng ganitong araw at oras. Palubog na ang araw.
Baka siguro nagugutom lang ako.

“hahahhahahahaha”

Narinig kong muli ang malakas na tawa ng isang lalaki. Sa ngayon, mas malakas na ito.

“sino ka? Nasan ka?” napatayo ako at sinara ang mga kamao ko.

“hahahahhaha” ngunit tawa lamang ulit ang narinig ko.

“kung sino ka man, wala akong panahon sayo.”

“IKAW! Mamamatay ka na!”

Narinig ko ang mga boses na yan. Hindi lang siya nag-iisa.

“ahh? Sino ba kayo! At bakit ako mamamatay? Magpakita kayo!”

Palingon-lingon ako sa buong sementeryo.

Pero wala akong Makitang ibang tao. Tanging mga puntod lamang ang nandidito.

“ITO NA ANG IYONG KATAPUSAN”

Muli, may isang boses ang nagsabi nito sa akin…

At…nagpakita nga ito…


“Sino kayo?”

“hahaha kami ang mga susundo sayo totoy!” ani ng isang babaeng maliit na na naka-itim na suot. Balot ang katawan nito ang itim na kasuotan at may hawak na isang mahabang ispada.
“tama siya bata. Ito na ang katapusan ng iyong buhay.” Nagsalita naman ang isang matangkad na babae. Kagaya ng isa kanina, nakasuot din ito ng itim na damit at mahahabang kuko.
“ano pa ba ang hinihintay natin? Sugurin na siya!” sumigaw naman ang lalaking nasa gitna nila. na may dalang malaking palakol.

“ahhh? Hindi ko kayo maintindihan. Teka? Hindi pa naman Halloween ahh? Bakit kayo nakacostume? Tsaka? Teka? Mga cosplayer ba kayo?”

O____O

“HINDI KAMI COSPLAYER!”
“OO NGA! KAMI ANG MGA SUNDO!”
“IKAW NA BATA KA! NILALAIT MO PA KAMI!”

Nagwala naman sila sa mga sinabi ko. Ang gulo naman nila.


“ahh ganun ba? Bakit naman ako mamatay? Ehh wala naman akong sakit. Tsaka…”


*sshhhhhhnggggg*


Nasilaw na lamang kami sa isang maliwanag na ilaw na bumaba galing langit…

Isang malakas na liwanag…

At pagkamulat ng aking mga mata…isang magandang babae n gaming nakita…

“sino ka naman? Cosplayer din?”
Tumingin sa akin ang babae..

At binatukan ako..
“aray ko, bakit mo naman ginawa yun?”
“tumahimik ka.”

Yun lamang ang sinabi sa akin ng babae. Napansin kong may suot itong armor at napakakinang ng mahabang buhok nito.

“ano naman ang gagawin mo Lady Hellsight” tanong ng isang babae na kasama nung mga itim na cosplayer.

Habang ako nanunuod lamang sa pagitan nila.

“pipigilan mo ba kami Lady Hellsight?” isa pang tanong ng isang babae.

“huh. Ang necromancer. Pipigilan tayo. Alam mo naman na oras na ng taong yan.” Sabi naman ng lalaking may palakol.

“tumigil kayo! Ako na ang bahala sa lalaking ito.” Nagsalita na ang babaeng naka-armor.

“HINDI MAARI! KAMI ANG MAY TRABAHO NITO” sigaw ng isang babae tsaka ito sumugod sa babaeng nakaarmor.

“^&*^&*^*&^*&^” isang salit na hindi ko maintindihan ang sinabi ng babaeng naka-armor.

At biglang nawala ang babaeng susugod.

O____O ano ang nangyayari.

“LADY HELLSIGHT! SAAN MO DINALA SI FAITH!” sigaw ng babae. “MAGBABAYAD KA!”

Sumugod naman ito at akmang kakalmutin ang babaeng naka—armor ng mahabang kuko nito. Pero…

“%^*&^%*&^*&^(*^” isang salita muli ang hindi ko maintindihan at.

Nawala muli ang babaeng may mahabang kuko.

“LADY HELLSIGHT! BAKIT MO ITO GINAWA” sabi ng lalaki. “PINATAY MO SI FAITH AT SI LOVE”

“sinusuway niyo ang utos ng hari ng kamatayan.” Sabi ng babae.

“HINDI! MAGBABAYAD KA!”


Sumugod naman ang lalaki. Pero, pupunta ito sa lugar kung saan ako nakatayo…


At…


“AHHHH! ! ! ! “ doon ko naramdaman ang sakit ng palakol nito sa humiwa sa aking braso.

“Mamamatay ka!”

At akmang papalakulin nito ako muli pero..

“%^%&%^*^&*&^*” sinabi muli ng babae ang salitang iyon at naglaho din ang lalaki. At naiwan ang palakol nito.

“TU-TU-TULUNGAN MO A-AKO!” sigaw ko sa babae. Dahil ramdam ko ang paghagos ng dugo galing sa aking katawan.
“MAWAWALAN AKO NG DUGO”

Lumapit na akin babae. Pero…


“Wala na, nahuli na ako sa oras. Mamamatay ka na talaga” yun lamang ang sinabi nito sa akin.

“H-hindi pwede.” Sabi ko dito.

“Tulungan mo ako.”

At doon, nilabas niya ang isang makinang na bagay sa galing sa kanyang armor.

“wala ng ibang paraan, pero… ito na lamang…”

Hinagis niya ito.. at nagliwanag sa kalangitan…

At sinabi ang bagay na…

“^&*&^*^&*&^*^&*(^” hindi ko din natindihan. Pero…

Nawalan ito ng malay. At tuluyang bumagsak sa lupa. At ako?

“HA? BAKIT BUO NA MULI ANG BRASO KO?” nakita kong bumalik sa dati ang katawan ko. At nawala ang mag dugong nakakalat sa lupa.

“Buhay pa ako?”

Tinignan ko naman ang babaeng nakahandusay sa lupa.


Binuhat ko ito at iniuwi sa bahay.



Ang gulo…ang gulo ng mga pangyayari…pero sino nga ba itong babaeng ito?

Yun na lamang ang gumugulo sa aking isipan habang pinagmamasdang natutulog ang babaeng naka-armor na ito.





Episode 2.
[ Ang Necromancer ]


Cyrus POV


Hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyari kanina. Ano bang klaseng mga tao yun? Mga tao nga ba sila? Naguguluhan na talaga ako. Tsaka itong babaeng dinala ko dito. Masama kaya siyang tao? Pero pakiramdam ko, hindi naman.

Nagluluto na ako ngayon ng hapunan ko. Di na din ako nakapasok sa store ngayon, gawa ng babaeng toh. Pasado alas-nwebe na ng gabi. Pero hindi pa din siya gising.
Pinagmasdan ko naman ang braso ko.

Wala mang lang itong bakas ng hiwa o hati. Parang walang masakit o mahapdi. Magic bay un?

“ano bang nangyayari?”

“Hindi ka na buhay tulad ng dati!”

“AHHH! ! !?” nagulat naman ako at napaurong ng Makita ko ang babaeng naka-armor na nakatayo na sa harapan ko.

“ahhh ehhh….huu. nakakagulat ka naman.” Yun na lang ang nasabi ko. “ahmm ayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong ko dito.

“ayos lang ako.” Mahinang sabi nito.

“sino ka ba? Ano ba ang pangalan mo? Tsaka saan ka nanggaling?”

“ang dami mo namang tanong.” *sighs* “pero sige, dahil nakita mo na ang lahat. Sasabihin ko na sayo. Total isa ka din namang necromancer.”

“ahhh? Ano? Necromancer?”

“isa akong necromancer. Ako ang necromancer ni Hades, ang hari ng kamatayan. Ako si Hellsight, ang pangalan ko naman sa lupang tao ay Eu. (pronounce as Yu) galing ako sa impyerno. Kung saan hari si Hades, ang aking panginoon.”


☼_____☼ ano daw?


“ANO? Hindi naman kita maintindihan.” Sabi ko dito.

“pero kailangan mong intidihin. Dahil isa ka na sa amin.”

“ahh? Paanong isa na ako sa inyo. Buhay pa din ako noh! Nakikita mo ba?”

“hindi…hindi ka na buhay! Isa ka na ding necromancer. Patay na na din.”

“ahh?”

Naglakad naman ito papunta sa sink at may kinuhang isang bagay. At paglingon nito sa akin…

O___O

“teka? Anong gagawin mo? Kutsilyo yan ahh”

“wag kang gagalaw”

“ANO?? ? ??”

Sumugod naman ito sa akin, sinubukan kong umilag pero…

Naramdaman ko ang pagbaon ng kutislyo sa katawan ko..

“AHH! BAKIT MO AKO SINAKSAK” sigaw ko dito.

“mararamdaman mo ang sakit, pero hindi ka mamamatay. Maya-maya maghihilom na din ang sugat mo.”

Kalmadong sabi nito sa akin…

Tinignan ko naman ang saksak ng kutsilyo…at onti onti nga itong gumagaling.

“AHHH? Hindi ako namatay?” nagtatakang tanong ko dito.

“sinabi ko na nga sayo kanina. Hindi na buhay, isa ka ng patay. Isa ka ng necromancer.”

“teka nga? Kanina mo pa sinasabi ang NEK-NEK nay an ano ba yang nekcromancer na yan?”

“kami ang alagad ng panginoong hades, upang pigilan ang mga masasamang Guardian sa pagpatay sa mga taong hindi pa naman nila oras. Ang aming layunin lamang ay maging pantay at balance ang oras ng buhay at kamatayan.”


“at isa na ako sa inyo ngayon?”

“Oo, isa ka na sa amin, dahil isinalin ko sayo ang aking kapangyarihan, upang hindi ka mamamatay kanina.”

“kanina? Sino naman yung tatlong nakalaban mo kaninang cosplayer.”

“hindi sila mga cosplayer. Sila ang alagad ni Ego. Masasama sila, nais ka nilang paslangin pero di mo pa naman oras, sila ang The Dark Good”

“the dark good?”

“Oo, grupo grupo ang mga Guardian, at kanina, sila ang The Dark Good, si Faith, Love, at Hope.”

“ahh! Pero…ano yung salitang sinabi mo kanina.”

“yun ang words of spell. Di ko pwedeng sabihin yun sayo, dahil…mamamatay ka.”

“ang ibig mong sabihin, kapag sinabi mo yun, mamamatay ang taong makakarinig non?”

“parang ganun na nga.”

“ang gulo, pero isa na akong nek-nek?”

“HINDI YUN NEK-NEK! NECROMACER YUN”

“ohh chill ka lang.”

“hays, ngayon na isa ka na sa amin, mabuting samahan na kita dito. Baka mapaslang ka lamang ng mga Guardian.”

“ayos lang, mag-isa lang naman ako dito ehh”

“mabuti.”

*bogggshhhhh*


“ANO YON?”

Nakarinig kami ng isang malakas na pagyanig mula sa labas ng bahay namin…

“ang mga guardians, malamang nalaman na nila ang pagkamatay ng The Dark Good.”
“so? ano ang gagawin nila?”

“papatayin nila tayo.”

“Ah? Pero sabi mo patay na tayo?”

“sira ka ba? Gusto mo maging double dead?!”

“ahh??? May ganun pala?”

“kunin mo ang palakol ni Hope!”

“ahh? Ano?”

“yun pakakol no Hope! Ang Ax of Judgement!”

“sige..”

Lumabas naman si Eu sa labas ng bahay at kinuha ko ang palakol na sinasabi niya..

“ito! Nakita ko na”


Lumabas na ako sa labas ng bahay… at…


Nakita kong nakahandusay na sa lupa si Eu.


“Eu! ! !” tumakbo ako papunta kay Eu.

“sira ka, lumaban ka at talunin siya!”

“ahhh? Sino yan?”

“isa yang Ninju. Puppet ng mga guardians. Madali lang silang kalaban”

“madali pero nakahandusay ka na jan, ayoko nga.”

“SIRA KA TALAGA.”

“sige na lalaban na ako.”

Tinignan ko naman ang isang malaking palaka, na may korona sa taas ng dalawang mata nito. Ito na ba ang Ninju? Nakakatakot naman.

“hoy! Ikaw palaka! Isa akong Nek-nek at ako ang tatapos sayo!”

“ano daw?” *face palm* si Eu.


“ikaw ba ang pumatay sa The Dark Good.?” Tanong nito sa akin.

“hindi, si Eu yun, pero ako ang papatay sayo!”

Sumugod naman ako sa palaka, pero humaba ang dila nito. Buti na lamang at naka-iwas ako.

“magaling ka palaka ahh”

“hahahah isa ka pa lamang bagong necromancer, mdali kang matatalo.”

“ah? Ako? Pwes humanda ka”

Sumugod akong muli sa kanya, pero magaling ang Ninjung ito…

“ahh!” sigaw ko matapos akong matamaan ng dila nito at lumipad sa pader.

“hahahah, di mo ako kaya, isa ka lamang baguhan bata!”


“hoy! Kung ano ka man, isa lamang toad na may korona! Kaya, kayang kaya kita!”

Tumayo ako, at nilabas ang palakol…


“ito ang sayo!”


Sumugod ako muli at sinabing…


“MAMATAY KA NA AHH!”


At doon…


Biglang naglaho ang palaka. Kahit hindi ko pa siya nahahati ng palakol ko.


“nagawa mo Cyrus!”

“Ahh?”

“nagawa mo na ang words of spell”

“ano? Words of spell?”

“OO! Sinabi mo kanina.”

“ahh? Yung---“ bigla niya namang tinakpan ang bibig ko..

“SIRA KA! WAG MONG SASABIHIN! GUSTO MO BA AKONG MAGING DOUBLE DEAD!”

“AHH ehh sorry naman…”



Pumasok na kami sa loob ng bahay…


“ahmm Eu, noong nabubuhay ka pa. taga saan ka ba?”

“taga dito din ako, kaya nga di ko kayang iwan toh ehh”

“ganun? Di mo tatanggalin ang armor mo?”

“unremovable na ang armor na ito.”

“ganun?”

*krungg-krunnggg*

“gutom na ako.” Sabi nito…

“kahit pala patay na gutom pa din”

“natural noh! Namatay lang ang katawan na tin pero ang existence at souls natin hindi pa din”

“okay…tara na kain na tayo…



Kinaumagahan…



“Eu! Papasok na ako sa school.”

“hoy Cyrus, magiingat ka at dalhin mo toh”

Hinagis naman nito ang Ax of Judgement sa akin.

“sira ka ba, bawal sa school toh.”

“paano na lang kung may dumating na mga ninju, o kaya naman guardian. Wala kang sandata.”

“psshhh. Basta ako na bahala dun”

“bahala ka”



Pumasok na ako sa school.


“Cyrus! Pakopya ako ng homework sa Physics ahh”

“ahh? May homework ba tayo dun Oliver?”

“teka? Nakalimutan mo? Himala yun ahh?”

“hays, pagod lang ako sa mga nangyari sa akin kahapon.”

“ano naman ang mga nangyari sayo?”

“basta. Di mo lang maiintindihan.”

“sus… ikaw ahh oi punta ako mamaya sa bahay mo ahh”

“sige”






O____O

Sandal, sa bahay ko, tapos nandun si Eu, paano na lang kung Makita ni Olive rsi Eu.

Hindi maganda toh…


Natapos na ang klase…


“nandito na ako, Eu?”


O____O

“oh nanjan Na pala si Oliver ehh” –Alyssa.

“oi ang tagal mo naman.” –Elise

“pare! Nandito pala ang pinsan mo ehh” –Oliver.


Tinignan ko naman si Eu ng masama. At tumingin lang din ito sa akin..

Pinsan ka jan.


Hays…

“ahmm Eu, kalian ka pa umuwi dito?” tanong ni Alyssa kay Eu.

“kahapon lang” sabi naman ni Eu.

“pre! Ang ganda ng pinsan mo ahh” bulong naman sa akin ni Oliver.

“ewan.”


“ahmm guys, kukuha lang ako ng suka sa kitchen ahh” sabi ni Elise.

“samahan na kita Elise.” Tumayo ako at sinamahan si Elise.


Sa kusina.


“Cyrus bakit may dugo yung kutsilyo? Hindi mo man lang nilinis” kinuha naman nito ang kutsilyo at hinugasan sa sink.

Kung alam lang niyang dugo ko yan. T^T


Bumalik na kami sa sala. At nanunuod na sila ng TV.

Dami kasi alam nitong Oliver na toh.


Maya-maya pa. umalis na sila… pasado alas-nwebe na din ng gabi.


“hays”

“ang dami mo pa lang kaibigan?” tanong sa akin ni Eu.

“ahh Oo,”

“sus…buti ka pa.”

“bakit? Noong buhay ka ba? Wala kang kaibigan?”

“ahahhaha natural meron! Hahaha kala mo sa akin? Abno? Haha”

“ewan ko sayo…”


Nakapasok na kami sa bahay. Pero…


*knock-knock*


Binuksan ko ang pinto at…

“Alyssa? Bakit? May nakalimutan ka ba?”


“tu---tu---tulugan mo ako…Cyrus”


*boogssshh*


“Alyssa! Gumising ka!”


Bumagsak na lamang si Alyssa, at nakita ko ang isang patalim na nakatarak sa likod nito…

“sino ang gumawa nito! ! ! !” sigaw ko…


“isang guardian.”


Nilingon ko naman si Eu….


“bakit pati sila…”


Naiiyak kong tugon dito…






Last edited by BaDReminisce on Fri 31 May 2013, 12:58 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : Next Episode UPDATED.)

______________________________

avatar
BaDReminisce
Weeb Realizationist

Posts : 52
Points : 8810
Age : 23
Location : Antipolo City

View user profile

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum